Ito ang mga salitang hindi ko nasabi sa'yo
Mahal kita;
Kahit hindi ko nasasabi sayo
Kahit hindi ko naipapakita
Palagi mong pakatatandaan
Mahal na mahal kita
Kahit na gumuho ang mundoPasensya na;
Sa tuwing wala ako sa tabi mo
Kapag kailangan mo ng pag - asa
Hindi ko kasi alam
Pasensya ka na at wala ako
Sa susunod, pangako darating akoSalamat;
Sa lahat ng sakripisyo mo
Kahit na hindi ko naibalik sayo
Sa lahat ng ibinigay mo sa'kin
Kahit na hindi ko hingiin
Sana matagal ko nang nasabi toBago ka nawala sa piling ko

YOU ARE READING
Paper Cuts
PoetryNot everything here is mine, tell me if you find something that has been made by another person and I'll give credits. Thank you! ( 11-13-17 Super random )