Missing you...

5 0 0
                                    

"Pilit kong ngumiti... pero sa sobrang lungkot ko, hinihila ng emosyon kong maging malungkot. Hindi maintindihan ang aking nararamdaman. Gusto ng sarili kong yakapin ka at umiyak lalo. Dahil mamimiss kita. Mahal kita tandaan mo yan. Hindi kita iiwan. Magtiwala lang tayo sa isa't isa. Walang bibitaw. Hindi kita hahayaan mawala sa piling ko. Ikaw lagi ang nasa isip ko. Hindi natin alam, kung kelan, anong oras, o saan tayo magkikita". Alam mo yung pakiramdam na... Magkakalayo kayo. Di na kayo magkikita. Di mo na siya mayayakap. Di mo na mahahawakan ang kamay niya. Di mo na rin mahahawakan ang kanyang malambot na pisngi. Mamimiss mo rin yung happy moments niyo. Para bang Long Distance Relationship. Hanggang text nalang, call, at video call nalang.

Minsan nagtataka ka rin pag di siya nakapag chat/message. Kung ano yung ginagawa niya. Minsan pag confiscated yung phone niya. Iniisip mo kung nakakaiin na ba siya? Kung nakatulog ba siya ng maayos? Ano ginagawa niya? Nasa bahay kaya siya? Yung ang daming tanong pumapasok sa isip mo. Kasi nga concern ka sa kanya. Pero wag ka magaalala. Kung mahal ka niya di ka nya ipagpapalit sa iba :). Back to topic na tayo

Habang wala siya. Wag kang gagawa ng kung ano ano na makakasira sa relasyon niyo. Sa kanya ka lang mag focus tsaka sa career/studies mo. Kung next year di na kayo magkaklase. Gawin mo siyang inspirasyon. Para naman ma-proud yung parents mo diba.

Alam mo rin ba yung feeling na... miss na miss mo siya pero... WALA KANG MAGAWA. Nakakaiyak diba?

Ano bang nararamdaman mo pag namimiss mo siya? Matic na yun na malulungkot ka... Mawawalan ng gana kumain.

Yung feeling na, nakita mo yung place na magkasama kayo. Nai-imagine mo yung happy moments niyo. Yung magagandang tawa niyo. Yung ang sweet sweet niyong dalawa. Tapos bigla ka nalang mapapaalis sa lugar na yun, kasi nga naiiyak ka. Yung mamimiss mo siya lalo.

Yung pagka uwi mo. Hilata agad sa kama. Kunin yung teddy bear na bigay niya, tapos may perfume niya. Niyakap mo yun. Iniisip mo na siya yun. Tapos biglang tutulo yung mga luha mo ng di mo namamalayan. Wala nanamang nasa isip mo kundi ang LUNGKOT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Emotions😢Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon