Mahal, aaminin ko.

11 0 0
                                    

Oo, aaminin ko.
Ako ung nauna
Ako ung naunang nanakit, nanumbat, at nang iwan sayo.
Alam ko naman eh, kasalanan ko.
Pero kasi akala ko
Mas sasaya ka
Sa kanya...dun sa babaeng kaya kang ipaglaban
Kaya kang ipagsigawan
At kayang tumupad sa kanyang mga pangako

Oo, aaminin ko.
Hindi ako yun,
Malayo ako sakanya.
Mas maganda siya
Mas matalino siya
Mas mabait siya
At higit sa lahat, mas mahal mo siya

Oo, aaminin ko.
Nasaktan ako nung nakita ko
Na magkasama kayong dalawa
Na masaya ka na sakanya
Yung mga ngiti mong hindi ko naibigay
Siya na ngayon ang bumubuhay

Oo, aaminin ko
Gusto kong balikan ka,
Balikan yung mga ala-alang tayong dalawa,
Laban sa mata ng mapanghusga,
Me and you against the world kumbaga,
Pero hanggang dito na lang pala.

Oo, aaminin ko.
Umalis ako kasi hindi ko na kaya
Ung mga sakit sa relasyon nating dalawa
Pero nagkamali pala,
Mas masakit palang mawala ka.

Kaya mahal, ito ang tandaan mo.
Nasaktan man kita, nasaktan din naman ako.
Pero sa lahat ng ito,
Ikaw pa din yung mahal ko,
Kahit hindi na ako yung mahal mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal, aaminin ko. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon