#AnOrdinaryStory
"Nanjan na si Khalil!" Sigaw ni Tyler kaya napatingin kami sa taong tumatakbo papalapit samin. Agad kong binuhay ang makina ng van at tumingin sa paligid.
"Khalil!" Sigaw nila Tyrell ng makapasok sa van si Khalil.
Agad na sinara ni Keiji ang pintuan at agad naman akong nagdrive ng mabilis. Walang ni isa sa amin ang nagsasalita. Napabungtong hininga ako at tumingin ng diretso sa daan. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong na apakan ang preno. Sa sobrang lakas nito, nauntog ako sa manibela.
Unti unti kong inangat ang ulo ko at tumingin sa harap. Doon, nakita ko ang tatlong nakamaskarang lalaki. Hawak pa rin nila ang matalim nilang mga katana. Unti unti silang lumapit. Tarantang taranta akong pinaandar muli ang van. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga kaibigan ko.
Tinanguan ko sila at marahan din silang tumango. Mabilis kong pinaandar ang van at sinalubong ang tatlong lalaking akala namin ay matatakasan na namin.
"Alright! Rock and roll!" Sigaw ni Drixon na siyang nagdadrive ng van na sinasakyan namin ngayon.
Pagkatapos ng party sa condo ko kanina para icelebrate ang pagbabalik ko sa pilipinas, nagkayayaang magroadtrip ang barkada. Sa tabi ni Drixon, nakaupo si Migo na may dinaramdam nanaman. Ewan ko ba kung meron yan o blangko lang talaga ang isip. Kami naman ni Keiji at Travis ang magkatabu sa unang row. Sa pangalawa naman ay sila Lee, Tyrell at Tyler at sa pangatlo ay sila Dylan at Khalil.
Masaya kaming nagkakatuwaan sa loob ng van. Napatingin ako sa relo ko ng makitang huminto ang malaking kamay sa 6. Huminto yung orasan ko saktong 1:30 am.
"Kakabili ko lang nito bago ako umuwi dito sa pilipinas, sira agad?" Tanong ko.
Napatingin si Travis sakin. "Ano par?" Tanong niya.
"Yung relo ko, nasira agad." Sagot ko.
Pinagtawanan ako ni Keiji. "Fake yan!" Sinuntok ko lang siya sa braso at nakitawa sa kanila.
Nagpatugtog si Migo na mas lalong nagpaingay sa loob ng van. Sumasabay pa kami sa lyrics at natatakot ako na maabutan kami sa daan ng ulan. Maingay na nag usap sila Tyrell at Tyler sa likod namin. Si Lee naman ay natutulog na, at ang lakas pa ng hilik. Si Khalil nung lingunin ko ay kumakain at nanonood sila ni Dylan ng bold.
Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang orasan. "1:30 am?' Tanong ko sa sarili ko. Napakunot na ang noo ko. "Pinagtitripan yata ako ng oras.. 1:30 palang?" Tanong ko sakanila.
Nagsitinginan naman sila sa kanilang cellphone at ang nakakapagtaka..1:30 palang rin sakanila. Halos 10ng minuto na ang nakalipas nung tingnan ko ang nasira kong relo. Bigla akong nangilabot ng mapatingin ako sa tinatahak naming daan. Magubat..
"Drixon, san tayo pupunta?" Tanong ni Dylan.
"Di ko alam par, kusang gumagalaw nalang tong kamaya ko." May pag aalalang sagot ni Drixon.
"Gago! Wag ka ngang manakot." Sigaw ni Tyrell.
"Bayot!" Sigaw ni Tyler at tumawa.
Napahinto sa pagtawa si Tyler ng huminto ang sinasakyan namin. Instinct na siguro ng bigla kaming naging handa. Kahit ang natutulog na si Lee ay napabangon at pinakiramdaman ako paligid. Hindi ko ginalaw ang ulo ko habang tumitingin sa paligid. Napatiim bagang ako ng makarinig ng kaluskos mula sa likod. Lumalakas ng lumalakas ang kaluskos kaya agad kaming napatingin doon. Sila Khalil at Dylan ay pumunta dito sa harapan. Napalunok ako ng isa isang nagsulputan ang mga pulang ilaw..
Pulang ilaw nga ba o mga mata?
Pulang mga mata.
Nung bata pa ako, ang sabi ni lolo, kapag may nakita kang pulang ilaw sa gitna ng gubat, wag mo na itong titigan pa. Mas mabuti ng tumakbo ka palayo dahil maaari kang makilala ng kung sino mang nagmamay ari noon at maaari ka nitong patayin.