Tatawa ka, iiyak, masasaktan. Pero babangon ka't iibig muli. Dahil may second chance pa rin sa PAG-IBIG, hindi ba?
***
"Zack?" nanginginig pa na tawag ni Cassandra sa pangalan ng asawa. Kinutuban ito nang nagsimulang kumuha ng mga damit ang asawa sa closet nito't nagmamadaling isinuksok ang mga iyon sa maliit na maleta. "M-may conference ka ba uli? Medical mission?"
Nitong mga nakaraang buwan ay madalas mag-out-of-town ang asawa. Naiintindihan naman iyon ni Cass dahil na rin sa propesyon ng asawa bilang doktor. Kaya naman ay bihira lang niya nakikita si Zack. Ngunit nitong huli, iba ang ikinikilos ni Zack. He was always snapping at her over little things. Balisa ito't laging wala sa sarili. At nang napansin niyang laging hawak ni Zack ang celphone nito, bitbit kahit hanggang CR, doon na nagsimulang kutuban si Cassandra.
"Zack?" Lumapit siya sa asawa't hinawakan ito sa balikat ngunit marahas itong itinanggal ni Zack.
"I'm leaving," sagot nito, hindi man lang nag-abalang lumingon sa kanya.
"S-saan? Sa Tagaytay ba uli? Doon ba uli ang conference ninyo?"
Zack faced her and forced an exasperated sigh. Sumalubong ang kilay nito na para bang nauubusan na ng pasenya sa kanya. "Puwede ba, Cass, bawas-bawasan mo 'yang katangahan mo? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat?"
"W-what do you mean? Zack?"
"I'm leaving you. Is that clear enough for you?"
Leaving her? Why would he do that to her? Halos wala pa silang isang taong kasal ni Zack.
She knew their marriage was made out of convenience. Parehong doktor ang mga magulang nila, both were board members of the most prestigeous and well known hospital of the country. Ang pamilya ni Cassandra ang nagmamay-ari ng ospital na iyon. Although Cass has an older brother, mas pinili ng Kuya nito na maging isang chef kaysa maging doktor at pamunuan at patakbuhin ang ospital bilang presidente, at sa mga susunod na taon bilang chairman. Kaya naman naisipan ng mga magulang ni Cass na ipagkasundo siya sa anak ng colleague nito. After all, Cass has no intention to pursue medicine herself, or ran the hospital as director or whatever. Kaya si Zachary Alejandro was the perfect candidate ayon sa mga magulang ni Cass.
Everything was perfect. Long before Cass knew of her betrothal with Zack, matagal na siyang may gusto sa lalaki. And here she thought she would have a happily ever after with her prince, and then he would leave her?
"You can't do that!" pahayag ni Cass. "You can't leave me, or this marriage. Hindi papayag ang parents mo!"
Itinigil ni Zack ang pag-e-empake at hinarap si Cass. "And does it look to you that I give a damn kung papayag sila o hindi?" tiim-bagang asik nito.
"B-but why are you leaving me?" Nagsimulang lumabas ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Cass. Alam na niya ang kasagutan sa tanong niyang iyon, ngunit pilit pa rin niyang isinasantabi ang ideyang iyon.
"You already know why, Cassandra."
Yes, she knew. Cass knew it right from the very beginning. Zack wanted to leave her because he never loved her, could never love her. Zachary already loved someone else.
"D-dahil ba kay Leah?" Even the name tasted bitter on her lips.
"Yes. I'm leaving you for her."
BINABASA MO ANG
the Maxine Laurel files
RandomMga koleksyon ko ng mga upcoming at current stories ko. (My collection of upcoming stories.) Para sa mga gustong malaman kung ano ang mga stories na sinulat ko pero tinatamad isa-isahin ang mga blurbs. Kaya heto --tada!-- nasa iisang lugar na siya (...