Intertwined Fate- PROLOGUE

62 3 2
                                    

INTERTWINED FATE
PROLOGUE

"Baby yna, someone is looking for you." It was Jung, the older brother of Ynara. Tinitigan niya ng malalim si Yna habang bumabangon galing sakanyang pagkahiga. Naramdaman ni Ynara ang titig ni Jung kaya agad siyang napalingon dito. Nagtaka si Yna dahil ngayon niya lamang naranasan na titigan ng ganyan ng kanyang kuya na si Jung.

Si Jung ay napakamisteryosong lalaki. Hindi siya basta basta nakikipaghalubilo sa mga tao. For short, an introvert with a cold personality. Kapag tinitigan ka niya, he knows that something is wrong. Kaya naging concious agad si Ynara.

"What is it, oppa?" Tanong niya kay Jung with a confuse face.

He shaked his head and smiled at her, "magbihis ka. Baka may lakad kayo." Agad naman naligo si Ynara at nagbihis.

Nang bumaba na si ynara, agad na bumungad sakanya ang awkward na ngiti ni Xian, her boyfriend. Pinapalibutan ng kanyang tatlo na kuya si Xian. Nakaupo si Kuya Jung at tinititigan si Xian habang si Kuya Neul niya naman ay nakaupo at nagbabasa pero pasimple rin itong tumitingin kay Xian. Nakahiga naman sa lap si Kuya Ji nya kay Kuya Neul at nanunood ng TV. Tahimik lamang sila at mukhang busy naman ang mga kuya niya kaya hindi nila agad napansin ang pagdating ni Ynara.

"oy baka malanay siya nyan." Ynara broke the silence. Tumawa siya at tiningnan lamang siya ng limang lalaki kaya agad siyang tumikhim.

"Tara na, Xian?" Hinila niya agad ang kanyang boyfriend sa labas ng kanilang bahay dahil sa sobrang awkward.

"Alis na kami, oppas!" Sigaw niya para marinig siya ng kanyang mga kuya. Kilala na nila si Xian noon paman. Naging kaklase kasi ito ni Nam sa isang klase nila at nakilala na ng iba pang kuya ni Ynara si Xian. Isa pang kuya ni Ynara si Nam. Hindi naglalayo ang kanilang edad. Si Ynara ay 17 years old, si Nam ay 19 at si Xian ay 18. Wala si Nam kanina kaya siguro naaawkward si Xian sa kanila.

Pumasok ng sasakyan si Xian. Pumasok na rin si Ynara kahit na medyo nagulat siya dahil sa hindi niya inaasahan na hindi siya pagbubuksan ni Xian. Ayaw rin naman niyang masira ang araw na ito. Tinawagan kasi siya ni Xian noong nakaraang araw kung available siya ngayong araw. Gusto kasi nitong makipagkita kay Ynara. It's a date and I want it to be memorable. Yan ang nakatatak sa isip ni Ynara. Pero hindi niya naiiwasang maging kabado. Siguro ninenerbyos ako kasi ayokong masira ang araw na to. Baka may mangyayaring ayaw ko. Yan lamang ang iniisip ni ynara upang mawala ang kanyang nerbyos. Huminto ang sasakyan at napatingin siya sa bintana.

Nakatapat ang sasakyan sa isang Candice Cafe. Kilalang kilala nya ang may ari nitong cafe. Ito ay si Mr. Javier, kaibigan ng papa niya.

Lumabas naman si Xian at dumiretso sa door ng cafe. Medyo nagulat si Ynara na siyang dahilan ng pagpakaba niya ng sobra. Binuksan niya na lamang ang sasakyan at sinarado ito.

Lumapit siya kay Xian na naghihintay sa kanya sa tapat ng glass door. Binuksan ito ng guard at pumasok naman sila. Tinitingnan niya ang kabuoan ng cafe. Medyo nagbago ito at mas gumanda. May mga pang tumblr types na disenyo. Humanga siya sa pagiging hipster at cute ng cafe. Napatigil siya sa pagtingin ng may nakita siyang isang tao. Nakangiti ito sakanila at winawagayway ang kanyang kamay. Hinila ng bahagya ni Xian si Ynara. Palapit na palapit sila sa babae at agad huminto ng makarating sila. Tumabi si Xian sa babae na siyang nakapagtataka. Instead na kay Ynara siya tumabi, kay Alisa pa, ang kanyang best friend.

Hindi alam ni Ynara kung ano ang irereact niya pero umupo na lamang siya. There's nothing wrong about it, Ynara. Friends lang sila. Paulit ulit na sabi ng isip ni Ynara. Ngunit hindi parin siya kumbinsido.

Intertwined FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon