CHAPTER 05: Hope Orphanage

12 0 0
                                    

CHAPTER 05
HOPE ORPHANAGE

YNARA's POV

Lord, ano bang ginawa kong mali para parusahan mo ako ng ganito? Ang tanging ginawa ko lang naman ay magpakabait, pero bakit ganito?

Medyo over reacting, pero seryoso, gusto ko lang naman magpahinga at walang magiistorbo saakin. Pero bakit ngayon? Halos ibigay ko na lahat ng unan, kumot pati ang kama ko kay Psyche.

Syempre nandito na naman si Psyche sa bahay namin para bwisitin ako. Specifically sa kwarto ko. Pinipilit ako ni Psyche para sumama sakanya kung saan man siya pupunta. Ayokong humiwalay sa kama ko dahil nakulangan ako sa tulog. At gustong gusto kong matulog nalang magdamag.

Pinagpapalo ko na siya sa unan at lahat lahat pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. Medyo spoiled brat din ang isang to eh. Hindi lang pala medyo, spoiled talaga.

"Let's make a deal." Tumatango tango siyang tinitigan ako. As if she agreed to her own words. I crossed my arms, and rolled my eyes, "nakikita mo yung stairs dun sa labas ng bahay niyo?" She continued. I nodded to her question.

"Well.. let's play rock-paper-scissors, and whoever wins, 3 steps forward." I rolled my eyes. Ang childish ng game kasi, jinjja. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa isang game na ito ngunit ayun, lumabas kami ng bahay at naglaro kami.

"Hoy ara. Wag kang madaya. Tatlong steps lang." nasa unahan ko na siya. Humakbang ako ng ikaapat pero pinababa niya ulit ako. Medyo malayo na kasi siya sakin. Ang unfair, sobrang galing niya kapag sa ganito. Kaya ayun, habang nagpatuloy ang game, nauna na siya sakin at siya ang nanalo.

"Sorry not sorry, ara. Deal is a deal. So ano na?" Tumango ako. Wala akong magagawa, magwiwild itong si Psyche kapag hindi ako papayag.

"Sige, magbihis kana" aniya. Wow, agad agad? Hindi pwedeng mamaya na?

"Asan ba tayo pupunta? Anong gagawin natin? Bakit ngayon? Nakakapagod pa." Sunod sunod kong tanong sakanya. Pano ba yan eh sobrang pagod ako ngayon?

"Hope Orphanage. Basta. Malayo layo kasi yun. Wag kang magpapagod pagod diyan" I rolled my eyes at her at tumayo. Naligo at nagbihis nako. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng cr. Bumungad agad saakin si Psyche na nakaupo sa kama ko at si Kuya Nam na kakabukas pa ata ng pinto.

Awkward. Nakatitig sila sa isa't isa at parehong pula ang mukha. Mas nakikita ko ang pamumula ni kuya Nam dahil mas maliwanag sa side nya. Umubo ako para mapansin nila ako. Liningon nila akong dalawa at mas namula si kuya Nam.

"Ba't ang pula ng mukha niyo?" Tumawa ako. It came out fake pero pinagpatuloy ko pa rin. Tinutukan lang nila ako kaya umubo ako ulit. Sobra naman atang seryoso ng mukha nila.

"T-tara sy?" Pinauna kong pinalabas si Psyche. Nasa may pintuan parin si Kuya Nam at medyo nagstop si Psyche sa paglalakad at nagtitigan silang dalawa. Weird, may nangyayari ba sa kanilang dalawa? Sinusundan pa rin ng titig ni kuya Nam si Psyche.

Nung lumapit na ako kay kuya Nam, bumaling ang kanyang tingin sakin. Sinamaan ko siya tingin. Nagsmile lang siya sakin ng sobrang awkward.

Hindi ko nalang yun binigyan ng pansin. Sumunod nalang ako kay Psyche. Napansin ko na sobrang bilis ng pagkakalakad ni Psyche kaya binilisan ko rin. Nang makalabas kami sa bahay, bigla niya akong nilingon kaya halos mapatalon ako sa gulat.

"Can you please tell your kuya Nam not to be an asshole?" Itinaas niya ang right hand niya habang bitbit niya ang prada bag niya. Sosyalen. Pinaypay paypay niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay.

"Psy. Parang hindi ako kapatid noh? Masanay kana. Lalo na't magkakaroon na ng baby si Eomma pib" Eomma Pib ang tawag ko sa mama niya. Of course, 12 years na kaming magkakilala kaya walang hiyaan na kami.

Intertwined FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon