Hello! Sabaw kung sabaw itong chapter one. Hindi naman ako magaling pero at least I'm trying. Sana tulungan niyo ako na mas mapaganda 'to. Salamat sa lahat.
Enjoy reading!
"Don't be judgmental lalo na kung alam mong hindi mo naman alam ang dahilan sa likod ng mga desisyon na ginawa ng isang tao." -unrealmaknae
---
"Kath, kain na tayo. Nakahanda na ang breakfast sa baba," sabi ni mommy sa akin habang niyuyugyog ako.
"Mommy ang aga pa po oh," sagot ko kahit na ang totoo ay hindi ko naman alam kung anong oras na.
"Anong maaga? Tanghali na girl," sabi ni mommy kaya naman napatawa ako at bumangon.
"Mommy naman eh," sabi ko at tumawa ulit. Kung i-dedescribe ko si mommy I'll describe her as "not-your-typical-mom" she's actually cool.
Tinapik ni mommy ang balikat ko, "Galaw-galaw na pupunta ng trabaho daddy mo."
Naghilamos na ako at nag-toothbrush. Saturday kasi ngayon kaya pa-chill chill lang ako. Nagsuklay na lang ako at dumiretso na sa baba at nakita kong nakayap si mommy kay daddy.
"Tama na landian," sabi ko at lumapit sa kanilang dalawa kiniss ko si mommy at daddy sa cheeks.
"Heh, wala ka lang boyfriend eh," sabi ni daddy at binelatan pa ako. Ang isip bata talaga. "Pero seriously Kath 'wag ka munang mag-boyfriend ha? Naiintindihan mo ba?" sabi niya at umupo na kami. "Huwag na huwag kang magmadali alam mo naman siguro kung paano kami nagsimula ng mommy mo, right? nagpakipot pa yan ng ilang taon ta--" naputol yung sasabihin ni daddy kasi biglang nilagyan ni mommy ng egg ang bibig niya.
"Yes, daddy. Alam ko ilang beses mo na bang nai-kwento yan sa akin?" sabi ko at nagkunyareng nagiisip at tumawa ako. "'Tsaka daddy alam ko namang pakipot 'yan si mommy di na bago yun." sabi ko at tiningnan ko si mommy at ang sama na ng tingin niya sa akin.
"Tumigil kayong dalawa bahala kayo diyan. Ikaw naman Kath akala mo bibigyan kita ng allowance? ASA ka," sabi ni mommy at nginitian ako ng nakakaloko.
Tumingin ako kay daddy at bigla siyang nagiwas ng tingin, "Daddy, si mommy oh" sabi ko at sumimangot.
Ang daya talaga ni daddy bigla na lang niya akong ilalaglag kay mommy. Si daddy kasi isip-bata si mommy naman ganon din, oh diba, a match made in heaven. Pero si daddy sunud-sunuran kay mommy ganon ata talaga kapag mahal mo yung tao. Well, hindi naman pala talaga ako malas kasi may magulang ako na mahal na mahal ako.
"Mommy, sorry" sabi ko at tumayo sa upuan tas hinalikan ko ang buong mukha ni mommy. Ngumiti si mommy sa akin at kiniss din ako.
"Girl, joke lang naman 'yun. Alam mo namang hindi ko kayang gawin 'yun sayo." sabi niya kaya naman bumalik na ako sa upuan ko. "Hey Vince, don't forget our dinner mamaya ha? Dederetso na lang ba kami ni Kath sa bahay nila Fionna? o sabay-sabay na lang tayo?"

BINABASA MO ANG
Youth
General FictionAno ba ang mas masakit? Mahalin mo ang taong may mahal na iba o Ang mahalin ang taong dati kang mahal