Chapter 1

1.2K 52 8
                                    

Bagong araw,bagong buhay na naman ang haharapin ko char! May praktis pa pala ako mamaya sa choirs. Pwede naman siguro ako umabsent ngayon? medyo masakit pa ang katawan ko.

Sinama ako nang tita Marie,mag rock climbing kahapon. Masakit sa kamay na batak yata ng husto ang muscles ko.

Joke lang wala akong muscle na ipagmamalaki.payat ako at maliit na pag samalayo tingnan parang 10 year old na bata lang.

Ganyan ako ka cute,kadalasan napagkakamalan akong bata.minsan gusto ko kadalasan naiirita ako! Sino ba naman ang hindi mainis? Hello second year college na kaya ako. Maliit lang ako pero malaki naman ang pang-unawa ko at saka ang anu ko- ang anu ko ang puso ko hahahaha

Simple lang ang buhay meron ako. Merong ina na maganda,ama na nasa Japan, isang kapatid na makulit at lagi kung binabatukan. Ang sweet kung ate diba? minumura niya ako lagi sa sobra kung kasweetan sa kanya.Shungit daw ako,salbahing bata.

Hindi kami mahirap hindi din mayaman kung baga sa coke sakto lang. I have a perfect family wala na akong mahihiling pa.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng Mini table. Magpapaload ako,itetext ko si Yna,na hindi na muna ako sasamang mag practice. Bumababa na ako naka salubong ko si Mama na may bitbit na towel. Maliligo yata si mamsheis ko

"Oh anak saan ka pupunta?"tanong n'ya sakin.

"Sa tindahan lang Ma,mag papaload lang po ako"

"Yung Apo pala ni Lola Adriana,dumating kahapon.Diba kaibigan mo yun?" Binigyan ako ni mama ng nakakalokong tingin. Manunukso na naman 'to.

Inirapan ko nalang siya. Tumawa lang siya.

"Po? Sinong Apo? Lahat naman yata ng Apo ni Lola A.kaibigan ko sino sa mga yun 'Ma?" Hinawakan ko ng marahas ang buhok ko at ginulo.

"Si? Hay naku nakalimutan ko ang pangalan basta gwapong bata.noon ang liit liit pa ngayon malaki na at ang gwapong bata pa talaga."grabeng compliment naman yun.dapat ulit-ulitin ang gwapong word?

Ka urat uyy! Hindi ko na kailangang Alamin kong sino yun alam ko naman kapag sinabi ni Mama na ang gwapo at ang Gwapo talaga.Lam na kung sino yun.

napapaisip tuloy ako na baka may crush si Mama sa Kumag na'yon. Siguro kapag na babasa ni Mama ang iniisip ko binatukan na ako ng 10 times plus 2.

Nagkibit balikat lang ako."Ah ganun ba,hindi naman kami close nun eh.sige Ma,akyat na muna ako Hindi na pala ako mag papaload baka mamaya nalang"

"Naku magpa load kana dun bilhan mo din ako ng shampoo saka conditioner maliligo ako. Diba my crush sayo ang batang iyon?" Na nunukso niyang saad muking napa irap nalang ako.

"Ma!" Inis kung saway sa kanya napapadyak na ako dahil sa inis.Tumawa lang siya ng malakas Pambehira binigyan ako ni lord ng baliw na ina. "Si Matmat nalang ang utusan mo 'Ma"ungot ko.bigla akong tinamad lumabas.

"Ikaw na tulog pa ang kapatid mo!"giit ni Mama na pinandidilatan na ako ng mata.Pambihirang bata! Anong oras na tulog padin. Wala na akong na gawa kundi ang sumunod.Mabait naman si Mama,wag ka lang sasaway sa gusto niya kundi patay kang bata ka.
Sana lang hindi ang lalaking yun ang nag babantay sa tindahan ni Lola A.maaga pa naman baka tulog pa yun. Kapag andyan kasi yan siya lagi nagbabantay sa tindahan ni Lola A,hindi naman sa ayaw ko sa kanya.ayaw ko lang talaga sa kanya.

Lagi akong kinukulit ng pisting yun eh!

Nag lalakad na ako pa puntang tindahan ni Lola A. malapit lang naman tatlong bahay ang pagitan mula samin. Tamad na tamad akong nag lalakad sana lang talaga walang naglalandian doon.

Malayo pa lang ako tanaw ko na si kristine na naka tambay sa tindahan ni Lola A,naku! Sigurado akong Si Edward ang nag babantay.hindi naman tatambay si kristine diyan pag hindi si Edward ang nag babantay eh.

MAYWARD: Sana Tayo Nalang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon