f i f t e e n

36 1 0
                                    



0 1 5
_________________

{ a/n: sorry to keep you waiting }

Kim's POV


Nahihilo ako. Ang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong bumangon pero mukhang pinagbabawalan ako ng katawan ko. Sinubukan ko rin maalala ang mga nangyari at kung paano ako napunta sa kwarto ko nang may narinig akong nag-uusap sa labas.

Mukhang papunta sila dito kaya nagpanggap ako na tulog at pinakinggan ko yung pinag-usapan nila.

"Mabuti nalang at magkasama kayo nung nangyari 'yon. Kung hindi dahil sa'yo baka kung ano na ang nangyari sa anak ko." sabi ng isang lalaki. Papa??

"Wala yun, Tito. Alam niyo naman parang kapatid na rin ang turing ko kay Kim." sagot naman ng isang babae. Teka. Kilala ko yung boses na yan—si Nyxie. Siya yung kausap ni Papa? Anong ginagawa niya dito? Bakit niya kausap si Papa?

Kahit na medyo hindi pa ako okay ay sinubukan ko paring bumangon para malaman kung ano yung pinag-uusapan nilang dalawa.

"Ano—"

Napalingon sila sa direksyon kung nasaan ako at agad naman akong nilapitan at inalalay.

"Kumusta yung pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Tanong ni Papa.

"Medyo masakit ng kaunti pero kaya ko naman ito, Pa. Huwag na po kayo mag-alala." Sabi ko at ngumiti nalang para maniwala si Papa sa sinabi ko.

Hindi lang siya medyo masakit—MASAKIT PARIN, but I don't want my dad to worry that much dahil alam kong mag-alala lang yan ng super bongga talo pa yung bangs nung leading lady sa DOTS!

"Kim, masakit parin ba yung ulo mo? May maalala ka ba sa mga nangyari?" Tanong ni Nyxie.


"Medyo masakit pero kaya ko naman. Ano ba ang nangyari?" sagot ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maalala ang mangyari kagabi maliban nalang sa pinapunta ako ng prof namin sa faculty. Pagkatapos ay bigla nalang naging madilim ang aking paligid at eto wala na akong maalala pag gising ko.


"Hinimatay ka nung papunta ka sa faculty. Buti nalang napag isipan kong sumama sayo, naalala ko na may ipapagawa pala yung isang prof natin. Wala ka ba talagang maalala?" Tanong ni Nyxie. I shook my head bilang sagot ko sa kanya na wala akong maalala.


"Baka dahil sa pagod at puyat lang ito. Huwag na kayo mag-alala. Nyx, Pa? Okay lang ako. Kailangan ko lang magpahinga." I assured them. I don't want them to worry that much.

"Are you sure princess? Kung may iba kang nararamdaman pwede ko naman tawagan si Dr. Park para matignan ka niya." sabi ni Papa.

"No need, Papa. Iinom nalang ako ng gamot para sa sakit sa ulo then okay na ako after resting for a while. Don't worry that much, alam mo naman na ayaw ko ang nag-aalala kayo." sabi ko. The truth is...hindi lang ito ang unang beses na hinimatay ako at hindi ko maalala. Ilang beses na pero ayaw ko lang magpa check up sa doktor dahil baka naman dahil sa pagod lang ito.

Hindi pa ako handa kung sakaling iba ang sasabihin ng doktor. Alam kong hindi lang ito sanhi ng pagod at puyat kaya ayoko mag-alala ang mga kaibigan ko, lalo na ang pamilya ko.


"Tito, huwag na po kayo mag-alala. Ako na po muna ang bahala dito kay Kim, sisiguraduhin ko pong umiinom siya ng gamot niya at makakapag pahinga ng maayos." sabi ni Nyxie. Nagpapasalamat ako na andito siya ngayon at hindi na masyadong mag-alala si Papa sa akin.

"Oh okay. Basta kapag may kailangan kayo, I'm just one call away. I'm just at work. Take care." sabi ni Papa at hinalikan niya ako sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

heath || p.jyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon