Chapter 23 (SEVEN YEARS LATER)

4.6K 103 0
                                    

Anika's P.O.V.

Seven years of feeling dead was very hard

Kahit na tumayo ka sa sarili mong paa........

Hindi mo parin makakalimutan ang sakit at pait ng nakaraan

*FLASHBACK*

Sana pala hindi nalang ako bumalik kung masasaktan din ako sa mga nakita ko

Masakit, sobrang sakit!

Kahit na pigilan ko hindi ko kaya

Napalingon sya sakin at agad na nanlaki ang asul nyang mata

"Baby, let me explain"hinihingal na sabi nya at akmang lalapit sakin ng harangin sya ng mga bodyguards ko

"Kitang-kita ng dalawang mata ko, Harris. Akala ko ako lang, akala ko maghihintay ka. Bumalik naman ako ah, nagpagaling lang ako eh tapos eto pa ang makikita ko. I trusted you, Harris b*llsh*t!"sigaw ko at marahas na pinunasan ang luhang naglalandas sa pisngi ko

Paulit-ulit na tinutusok ang puso ko

Wala silang pang-itaas ni Christina. Bakit? Bakit nya ako niloko? Akala ko mahal nya ako?

"Sinungaling ka, Harris. Sinungaling ka!"sigaw ko at tumakbo palayo

*FLASHBACK ENDS*

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at ngumiti ng mapait

Mahal ko parin sya hanggang ngayon

Pitong taon na ang lunipas pero ganun parin ang nararamdaman ko sa kanya kahit alam kong wala na akong babalikan

*****
James P.O.V.

Napabuntong hininga ako ng makita ko ang babaeng to sa opisina ko

"Ano bang kailangan mo?"tanong ko

"James, im pregnant"sabi nya

"Wala ngang nangyari satin matapos ang pitong taon?"malamig at sarkastikong tanong ko

"Im serious, James and your the father of this child"sabi nya

I smirk "Really? Wala ngang nangyari satin eh, nasisiraan ka na ng bait. Bumalik ka nalang sa lalaking nakabuntis sayo at ipaako mo sa kanya ang bata. Wala akong ginalaw ka kahit sinong babae maliban kay Anika, tandaan mo yan"malamig na sabi ko at tinignan ang umiiyak na mukha nya

"Lumayas ka na sa harapan ko at wag ng magpapakita"pagtataboy ko sa kanya

Agad naman syang umalis

Walang nangyari samin nung araw na bumalik si Anika, as in wala. Mas mahal ko pa si Anika kesa sa buhay ko hanggang ngayon mahal ko parin sya

Namimiss ko ang magandang ngiti nya at maganda nyang mukha

Nagkita ulit kami pero....lasing sya at medyo nakainom ako

Dinala ko sya sa isang hotel at may nangyari samin. Alam kong alam nya yun pero hindi nya ako kilala nung araw na yun kasi lasing sya

Kasalan ko din naman kung bakit sya naglasing eh, gago ko kasi

"Dre, lalim ng iniisip natin ah"sabi ni Barrios at umupo sa couch

"Repa, babalik sya. Chillax ka lang, kilala ko ang pinsan repa. Tumutupad sa usapan yun "sabi ni Adrian

"Adrian, may AREP ka ba dyan? Pautang naman oh"sabi ni Jones na kinakunot ng noo ko

"AREP? What's that?"takang tanong ko

"Repa, AREP means Pera. Binaligtad lang namin, parang repa"sabi ni Carter

Pera, AREP? Pare, repa?

Ahhh they are weird

"Tol, sakyan mo nalang ang trip ng mga yan. Pati ako nawi-werduhan eh"sabi ni Davies at ngumiti

I smirk then face the glass wall

Kitang-kita dito ang buong city sa loob pero sa labas hindi. Ginawa ang Drillon's only for me

Pinagawa to ni Lolo para sakin kasi alam nyang mas gusto kong nakikita ang tawanin na ganito kesa sa iba

"I miss her"bulong ko at humarap sa kanila

"Kami din, 7 years na namin syang hindi nakikita at 6 years na hindi sya kasama sa birthday nya"sabi ni Carl at nagpout

I rolled my eyes then stand up

"San ka pupunta?"tanong ni Fernandez

"Sa conference room, may meeting ako"sabi ko at lumabas ng office at iniwan sila

Nasan na kaya sya?

*****
Christina's P.O.V.

Hindi ko hahayaang bumalik pa sila Kuya kasama ang babaeng yun

Hindi ko nga alam kung nasan ang mga salot na yun eh

Isa lang ang maipapangako ko, mapapasakin din si James at mawawala sa landas ko si Anika

*****

Tinigil ko ang kotse ko at lumabas dun

Napansin kong may kotseng nakaparada sa gilid ng kotse ko

Kotse ni Kuya Julio at Ate Christy

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at.........they are here

"Nice to see you again, Christina"sabi ni Kuya Julio

"Im back, Christina and i'll never let you do that to me and Anika ever again"sabi ni Ate Christy na kinagalit ko

"May anak ka na ba kay Anika, Kuya Julio?"tanong ko

"Actually, meron pero hindi sakin"

Napalingon ako sa likod ko

"Hi bitch"nakangising sabi nya

"Sya nga pala, buhay pa ako. Buti nalang nasa mood ako ngayon kung hindi nakalbo na kita"sarkastikong sabi nya

Nawala ang ngisi sa mukha nya at napalitan ng galit ang mata nya

"Pasalamat ka nandito sila Ate Kim at Kuya Robert kung hindi baka sabog na ang utak mo"malamig na sabi nya

"Hihintayin nalang namin kayo sa labas"sabi ni Anika at umalis na

Napalunok ako at humarap kila Kuya Julio

"You cant kill her, Christina"sabi ni Ate Christy at umalis na kasunod si Kuya Juli

I can, Ate Christy. Im powerful and strong

I'll kill all of you even you.........Kuya Julio

*****
James P.O.V.

I don't know what is the celebration basta pinapunta kami dito sa GW

Nakaupo lang ako dito sa trono ko at bumuntong hininga

"Everyone, listen to me"sabi ng mc

"Ngayon, masasaksihan natin ang pagbabalik ng ating pinakamamahal na Reyna......Anika Realyn Falcon!"sigaw ng mc

Agad akong napatayo at napatingin sa bukas na pintuan

Pumasok ang isang babaeng nakaitim na itim na may suot na korona sa kanyang ulo at dumiretsyo sa upuan sa tabi ko

"Anika"bulong ko ng tanggalin nya ang nakatakip sa mukha nya at tumingin sakin

"Nice to see you again, Harris"

Blue Eyed GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon