Chapter 1 -HOMELESS-

11 0 0
                                    



"Umalis ka na dito!!!! hindi ka nagbabayad ng renta mo ilang buwan na palugit ko sayong hinayupak ka nalulugi ako sayo!!."

"Aling Rita, wag niyo po muna ako paalisin hindi ko alam kung saan ako tutuloy... bigyan niyo pa po ako ng isa pang buwan para makapagbayad sa renta ko"

"Hindi ko na problema yun, letche ka! Wala! Tapos na ang palugit ko sayo...Umalis ka na dito para mapaumapahan ko na to sa iba!!"

"Aling Rita parang awa niyo na ....."

"Umalis ka na diyan... bago pa kita kalagkarin pa labas!"

                    Ako nga pala si Rhea Lopez, 24 years old, namumuhay magisa at sa kasalukuyan pinaalis sa bahay na aking tinitirahan....

Hindi ko mapigilan umiyak habang papalayo sa huling bagay na pinahahawakan ko dahil ayun na lang ang meron ako.... Wala na nga akong magulang, na tanggal pa sa trabaho, wala ng pera at higit sa lahat wala ng bahay na matutuluyan pa... ANO BANG KLASENG BUHAY TO!!

Habang ako'y naglalakad nagiisip ako kung sino ang puwedeng tumulong sakin- saan ako puwedeng makitulog kahit ngayong gabi lang .... Ang tanging sumagip sa isip ko nun ay yung ex-boyfriend ko na si Greg. Susubukan kong tawagan siya at mag bakasakali....

Si Greg ang tanging lalakeng minahal ko ng LUBOS, AS IN LUBOS NA LUBOS... Hindi ko alam kung bakit ko siya minahal dahil napakaagressive, possessive at higit sa lahat napaka-violenteng tao... Naghiwalay kami sa hindi magandang paraan, pero sa ngayon siya lang ang tangi alam ko na pwedeng tumulong sakin.... Ang tanga ko no??

-PAYPHONE-

*RING* RING*

"Hello Greg??"

 "Anung gusto mo!!???"

"Nagbabakasakali lang ako kung puwede ba akong tumuloy sayo, mga ilang gabi lang ??"

"Nasisiraan ka na ba ng bait RHEA!!?? Ang tanga mo tlga!!!.."

*TOOT*TOOT* TOOT*

Binabaan niya ako... wala na akong choice kundi maghanap ng lugar na puwede kong matulogan kahit alam kong medyo delikado tong gagawin ko

Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit sobrang dumidilim na sa daan, tumitigin sa paligid kung saan ako pwede matulog. Napansin ko yung isang park na alam kong pwede ko munang matulogan total naman maraming bench na puwedeng kong higaan.... Titiisin ko muna to kahit alam kong delikado ako dito...


Nasa kalagitnaan na ako ng aking tulog, bigla my naramdaman ako na may kumakalabit sa aking gilid, tipong pilit akong ginising ..... Unti – unti kong minulat ang aking mga mata.... Isang matandang lalake ang aking nakita napaupo ako at pakiramdam ko may masama siyang balak...

"Miss sama ka sakin- bigyan mo lang ako ng aliw babayaran kita ng malaki"

"HINDI AKO BAYARAN" tumayo ako sa kinauupuan ko at balak ko ng tumakbo ng mabilis...

"Saan ka pupunta??!!" hinawakan niya ang aking kamay ng sobrang higpit at hindi ako makaalis

"BITAWAN MO KO !!!! TULONG !!! TULOGAN NIYO AKO!!" sumigaw ako ng malakas pero parang walang nakakarinig sakin...


TUMAHIMIK KA" sinuntok niya ako sa aking tiyan dahil dun nawalan ako ng lakas, binuhat niya ako at dadalahin niya na ako sakanyang kotse

Pero...

*ISANG BOSES NG ISANG LALAKE ANG AKING NARINIG*

"SAAN MO SIYA DADALHIN??"

-------------------------------------------------------------------------------------------

END OF CHAPTER 1

--------------------------------------------------------------------------------------------

~AUTHOR~

 - Hello sa inyo ! first of all thank u dahil trinay niyong basahin ang story ko at sana sumabaybayan niyo !!newbie lang ako so bare with me kung medyo boring sa taste niyo pero i will try my best para gumanda siya! if you have any suggestions or opinions please comment down below para alam ko kung anu ano ang mga mistakes ko ayun lang thank you ! xoxoxo

Mi HermosaWhere stories live. Discover now