MAY ISANG WOOD CURVER ANG LUMIKHA NA ISANG DUMMY. DAHIL SA SOBRANG LUNGKOT AY HINILING NIYA NA MAGKABUHAY ITO. KINABUKASAN..
May narinig siyang ingay sa kusina at nagulat na lamang siya na gumagalaw na parang isang tunay na tao ang dummy na ito. nakita nya ang dummy na sumasayaw ng harlem shake. napanga-nga ang wood curver sa isip-isip nya (mas magaling pa sya sakin sumayaw). natakot sya ng bigla itong humarap sa kanya kaya ...
Napasigaw siya at kumaripas ng takbo at akmang lalabas ng bahay nang biglang hinarangan ng dummy ang pintuan.
Tumakbo siya pabalik sa kusina upang doon dumaan ngunit nandoon muli ang dummy. ngumiti ito ng pagkalawak lawak at inilabas ang isang....
AT INILABAS ANG ISANG LIBRO AT TINIGNAN SIYA NG DIRETSO SA MATA AT TINAWAG SIYANG "TATAY" Nagulat siya. "T-tatay? Tinawag mo akong tatay?" Wika nya sa dummy.
Tumango lamang ito at iniabot sa kanya ang libro. Ngunit laking gulat niya nang makita ang libro na puno ng litrato. Mga taong pugot ang ulo, bali ang kamay at kung anu ano pang karahasan.
at napatingin ang wood curver sa dummy. nagulat siya dahil may hawak tong chainsaw. hinabol siya nito at di niya alam san siya magsusuot. sabi ng dummy. 'tay nasan kna? lumabas kna. maglalaro pa tayo!!"
Nagtago siya sa ibabaw ng ceiling fan gamit ang kapangyarihan niyang lumipad. Pinagpapwisan siya ng malagkit dahil sa takot. Nagsisisi na siya sa kanyang hiniling. Nais niya na lamang na mawala na muli ang dummy.
"Tay! Nasan ka na ba? Naiinip na ako." Lalo siyang kinabahan dahil makikita na siya ng dummy. Tumulo ang pawis nia sa dami, tmingala ito sakanya at ngumisi. nagulat ang wood curver kasi bigla syang lumipad. doon nya lang naalala may lahi nga pala silang ibon. "hindi kita anak!" sigaw nya sa dummy. "wala akong anak na pangit!" dahil doon..
Nagalit ang dummy at nag iba ang itsura nito. Nakakatakot. Hindi maipaliwanag, tumalon ang dummy papunta sakanya at ginamit niya ang kapangyarihang teleport upang makalabas nang tuluyan mula sa bahay.
Nang makapagteleport siya ay nagulat siya dahil napadpad lamang siya sa likod ng dummy. wala na pala siyang Mana. ngayon ay nanginginig na siya sa takot. niyakap siya ng Dummy at nagulat.
Sabi ng Dummy ..
Bumulong ito sakanya, "Tay halika na. Sumama ka na sa akin. Doon tayo sa mundong napakaganda na punong puno ng liwanag na nagmumula sa ilalim."
Natakot ang matanda.
Alam niya kung ano ang tinutukoy nito ang mundong ayaw na niyang balikan, pagkahawak sa kanya ng dummy ay bigla sya nitong kinagat sa ulo dahilan para magising sya.
"Panaginip." pumunta si manong sa kusina para uminom ng tubig ng bigla nyang nakita ang...
"IKAW?!" natakot siya at agad na kumaripas ng takbo palabas, ayaw niyang mangyari ang nangyari sakanyang panaginip.
Ngunit tila iba ang nangyayari ngayon dahil... Nakita niya ang dummy na nagluluto ng almusal.
Sabi nito, "Papa kaen napo tayo."
Umupo siya at sobrang namamangha sa nangyayari.
Tulala siyang nakatingin sa dummy na nag hahain ng niluto nitong pagkain sa lamesa, ngumiti ito sakanya at sinabing, "PAPA ETO NA AKO TOTOO NA AKONG BATA."
Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa bata habang kumakain at bigla niya itong nailuwa.
Nagulat siya sa mga nakahain, hindi ito pagkain, ito ay mga kahoy. BIGLA NIYANG NATABIG YUNG LAMESA SA GULAT KAYA TUMAKBO SIYA PALABAS NG BAHAY, PATUNGO SA GUBAT AT HABANG TUMATAKBO SIYA, MAY NAKITA SIYANG AHAS NA GUMAGAPANG PAPUNTA SAKANYA...
"Ahas na hugis kahoy? ANo ito? Bakit lahat ay naging kahoy?" wika niya.
Namalayan nalang ni manong na pati pala sya ay nagiging kahoy narin. Nanginig siya sa sobrang takot at...
"Tay? Bakit po kayo tumakbo?"
"Anak! Tulungan mo ako! Ayokong maging kahoy!"
"Pero tay... Pero tay, eto ang kapalit para maging totoo akong tao. Sorry tay."
Inwan ni Pinocchio ang lalaki at nagtungo sa Dimas City.
At bago makarating ay naging totoo na siyang bata, pag dating nya roon ay agad siyang binully ng mga bata kasi ang haba daw ng pilikmata nya pang babae kaya tumakbo siya.
Sa kanyang pagtakbo ay nakabangga niya ang isang magandang babae. Nakangiti ito sakanya at inalok ng tulong. Nagpunta sila sa isang napakagandandang lugar na lahat ng bagay roon ay nakalutang.
Namangha siya sa nakikita niya "wow ibon karin po ba gaya ni ama ?" tanong ng bata sa babae.
"Hindi isa akong paru-parung bukid. halika sama ka sakin." at sumama ang bata sa....
Inilabas ng bata ang kanyang iisang pakpak. "Anong nangyari? Bakit iisa?" tanong ni pinochio sa batang babae.
"Nagkaroon kasi ng kaguluhan dito kamakailan lang kaya nasira ang isa kong pakpak." malungkot na sabi nito.
At inilabas ni Pinocchio ang isang malaking gunting at pinutol ang isa pang pakpak ng babae. hinila niya ito sa CR at... Umiyak ito at nagalit kay pinocchio.
"Wag kang matakot mabilis lang to. Dahan dahan lang." wika ni pinocchio sa babae.
Natakot ito. Akala niya rereypin na siya . Kundi...
Yung pakpak na naputol ay ginawa nilang saranggola. "bakit mo ginwang ganyan?" sabi nung babae.
"ito ang sasakyan natin papunta sa... Ice cream Island." namangha ang babae dahil paborito niya ito ngunit ibang iba ang itsura nito sa inaasahan kaya ng matanaw nila ito ay nadissappoint sila dahil natupok na pala ito ng malaking bulalakaw.
Lumapag sila dun at nakita nila ang mga taong icecream ay nangamatay na.
"Tulong! Tulong!" Wika ng mga taong ice cream. Inalam nila ang buong pangyayari at bago pa tuluyang mamatay ang mga ice cream ay napunta sila sa Refrigirator Island upang doon na manirahan ngunit...
Andun ang pinakamasamang nilalang sa buong universe. Si fhosofhaiohsoaisf.
"Mga dayo!" sigaw nito.
"Hulihin sila at ihagis sa kumukulong mantika."
Agad silang nataranta at sa di inaasahang pangyayari ay may lumabas sa kamay ni pinocchio na napakaliwanag na ilaw na dahilan upang mapigilan ang pagdakip sakanila.
Pero magaling ang kalaban kaya nagshade nalang ito. iwas silaw.
Tumawa siya ng tawang kontrabida.
At bigla silang tinali.
"Kakainin ko nalang kayo! Mga alagad! meron taung piging.! lutuin sila!!" sigaw ng kalaban.
Kaya naman ...
Kaya naman nagalit si pinocchio na siyang dahilan ng biglaang laki nito at sinabi
"Mga tanga! Di niyo ako maluluto! Kahoy ako!"
Nakaalis siya sa pagkakatali at isa isang hinagis ang kalaban sa kumukulong mantika ngunit narinig niya ang sigaw ng babae na humihinging tulong.
Tinulungan ng bida ang babae saka pinaalis sa lugar na yun.
Nasunog ang buong paligid.
"Eto na ang huling pagtutuos." sabi ng kalaban.
"Papayag ako basta spell mo muna pangalan ko."
Hindi na spell ng bida ang name ng kalaban kaya natalo sya sa laban kaso...
note: abangan sa season two wahahahaha
BINABASA MO ANG
Rhythm Story
Ngẫu nhiênThis is A collection of Stories which is the result of the Game "RHYTHM STORY GAME". Every Members participate and challenge to create a better and thrilling plot.