|Dominique's POV|
A couple week's passed so fast..
Marami naring nangyayaring pagbabago sa buhay ko..
Napaayos ko na ang garden ko..
Nag-simula naring mag-aral si Ellen,sa gusto nyang paaralan, Education ang kinuha nya..kaya kumuha ako ng bagong katulong na makakasalitan nya.. si Nay Rosa.
Naging bestfriend ko na talaga si Aik. Ang sarap pala sa pakiramdam ng my kaibigan. ^.^
Pero nawala na sa isipan ko si Mr. Pres.. Hindi ko na kasi sya nakikita. ;c Pero yung Yassy paminsan-minsan ay nakikita ko.
BTW, Initiation na pala bukas. Kinakabahan na nga ako eh.. wag naman sana kaming pahirapan masyado.>.<
[Initiation]
8 am
Nakasuot kami ng taong grasa costume. Naka buhaghag ang buhok ko with matching straw as hair bands, I'm wearing a filthy, oversized white.. (err. hindi na sya white) shirt and a pair of my old shorts na pinutol ko na hanggang tuhod and an old pair of sneakers and dinumihan ko ang katawan ko ng uling at grasa.
Credits to Aik for my outfit.. >.<
Pinapila na ang lahat ng freshmen sa oval by-department.
Nagsimula na ang bidding. By group naman ang bidding. Bale sa isang group ay may 5 members tapos ang isang group ay maaaring mapunta sa kanilang master na pwedeng isang tao lamang o grupo mula sa higher years at ito na ang magiging master nila sa loob ng dalawang araw.
Ang iba kong mga classmates ay nabili na, Malapit na ding tawagin ang grupo namin.. At dahil alphabetical order ay hindi kami magkasama ni Aik. Kasi Lopez ang apelyido nya Ruiz ang akin.
"Ramir,Rito,Romualdez,Roque, Ruiz.." tawag ng nagbi-bid sa amin.
Pumagitna kaming grupo at nagsimula na ang bidding para sa grupo ko..
"Sana naman mabait ang makakuha satin.." -parang dasal ng kagrupo ko habang nakayuko. Nakita ko na sila, pero magkaiba kami nang section.
"Dinig ko kasi mahirap ang pinagagawa nila, hindi lang mahirap, nakakahiya pa at nakakainit daw minsan ng ulo.." -anang isa ko pang kasama.
Kinakabahan na naman ako. Sana huwag naman..
"Okay, well start at 100 pesos" sabi ng nag bi-bid
"100 pesos.." -sabi ng babaeng representative ata ng isang grupo..
"300" -sabi ng grupo naman ng kalalakihang ..
"500" -first bidder kanina
"1000" - sabi ng group ng mga lalaki kanina.
"5000" -sabi ng lalaki. Guraveh, mag-isa lang sya. Talagang pagkakagastusan nya itong event nato? ang gara naman nya. pede namang 2k o 3k muna diba? talagang 5k agad? huwaaw.That was the highest bid. Baka naman my masama syang balak samin?? Ohmigosh >.<
"Higher?" Tanong ng host
wala nang sumagot..
"So the Goup (N) was sold to Mr. Alex Gomez." pagtatapos ng host. at tinawag na ang next group.
Lumapit na kami sa aming 'master'.
Habang papalapit kami sa kanya, parang naaasiwa ako kasi ang sama ng tingin nya sakin.. parang pahihirapan ako neto ah.. HEEELFFFFFFF! ( >o<;)
Pero infairness, ang gwapo nya.. parang yung matatawag mong man of your dreams.. err. OA yata?
"So," Simula nya , tumayo siya at nagpamulsa.."Follow me." utos nito