3

73 8 3
                                    

Narinig mong may tumawag sa cellphone mo, hindi mo pa nga sana ito sasagutin dahil favorite mong song ang ringtone mo pero nung nakita mong si Bekimon Chimchim ang tumatawag ay hindi ka nagdalawang isip na sagutin ito. Duh, best friend mo kaya ang buang na 'yan.

"Baks, nagbibihis palang ako--"

"Gurl!" Agad mong nailayo sa tenga mo ang iyong cellphone, makabasag eardrums kasi ang boses ng kaibigan mo.

Bigla ka namang kinabahan, paano ba naman mukhang may nangyari na namang hindi maganda.

"Bakit baks? Anong problema?" Nag aalalang tanong mo. Sa totoo lang, pagkatapos ng blind date niyo ng iyong beki best friend ay dumami ang problema niyo.

Una, gusto na ng mga magulang mo na maging magjowa kayo.

Magkaibigan ang magulang mo at magulang ni Jimin, nagkasundo sila na i-set kayo ng blind date. Kasi, sa tingin nila may feelings kayo para sa isa't isa, paano ba naman sobrang close niyo ni Jimin.

Ang hindi nila alam, ay parehong  boylet ang hanap niyong dalawa. Nakakaloka, diba?

Pangalawa, madami kang nagiging haters. Bakit? Kasi kumakalat ang balita sa inyong school na kayo na ni Jimin. Eh ang dami pa namang may gusto diyan sa best friend mo, remember, ikaw lang nakakaalam na beki siya. 

Kaya ayan, tuwing naglalakad ka sa hallway ng school niyo ay pinagtitinginan ka nila.

"Gurl..." Pagpapabitin ni Jimin.

Napalunok ka naman.

"Buntis ako." 

From kinakabahang ekspresyon to poker face ang naging peg mo. Agad mong pinatay ang cellphone mo at initsa ito sa higaan mo. Pinagpatuloy mo nalang ang pagsuot ng uniform mo habang umiiling iling.

"Masasakal ko talaga 'tong Jimina na 'to eh." Sambit mo sa sarili mo.

Maya maya pa ay tumunog na naman ang cellphone mo. Hindi ka na nagulat nang makitang si Bekimon Chimchim ulit ang tumatawag. Napabuntong hininga ka nalang.

"Ano ba talagang sasabihin--"

"Si Yoongi ang ama." Napapoker face ka nalang ulit. Papatayan mo na naman sana siya nang bigla itong magsalita.

"Joki lang gurl! TEKA WAG MO PA IBABA!"

"Alam mo baks, kung nandito ka ngayon baka kanina pa kita nasakal." Seryosong sambit mo.

"Sus gurl, high blood much? Eh kung kanina mo pa si watashi sinakal edi kanina pa sana tayo nagsasakalan." Natatawang sabi naman nito.

"Ano ba talagang sasabihin mo? Malelate na ako so bilis!"

"Wag kang umalis diyan gurl, susunduin kita okay?"

Magsasalita ka pa sana pero pinatayan ka na niya. Hindi mo alam kung seryoso ba siya o hindi. 

Lumabas ka ng kwarto mo, pagkarating mo sa kusina ay nakita mo si Yoongi. Nakaapron ito habang nagluluto.

Hindi naman ito ang first time na makakita ka ng lalaking nakaapron pero sa tingin mo, ang sexy niya tingnan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naman ito ang first time na makakita ka ng lalaking nakaapron pero sa tingin mo, ang sexy niya tingnan.

"Kumain ka na ba?" 

Natigil bigla ang pagdday dream mo dahil sa tanong niya. Sasagot ka sana na hindi ka gutom pero inunahan ka ng tunog ng tiyan mo.

"Hindi pa kuya" Nahihiyang sagot mo. 

"Sabay na tayo." 

Naestatwa ka naman sa sinabi niya. Awkward. Pero ikaw lang nakakafeel nung awkward na atmosphere kasi for sure di naman siya affected sa presensya mo. 

Kasi para sa kanya, kapatid ka niya, well scratch that, magiging kapatid ka niya.

Habang nagprepare siya ng kanin ay kumuha ka na ng plato niyong dalawa. Nang makaupo na kayo ay sabay kayong kumain ng hindi nag-iimikan hanggang sa muli siyang nagsalita.

"How was it?" Tanong nito. Englishero para ang magiging kuya mo.

Pero imbes na sagutin mo ito ay napunta ang tingin mo sa kanyang labi. May kanin kasi sa gilid nito, so imbes na sagutin mo siya ay napako lang ang tingin mo dito.

"Masarap ba?"

"Oo, masarap ka." Tsaka mo lang narelize 'yung sinabi mo makalipas ang ilang segundo.

"I mean, ano... Uhm, masarap ka m-magluto." Pagpapalusot mo. 

"PUMA!" Hindi mo alam kung nag imagination mo lang 'yung nariig mong boses ni Jimin. "PUMA!" Pero this time alam mo na na hindi ka nag iimagine.

"Sandali lang kuya." Pagpapaalam mo kay Yoongi bago pumunta sa sala. Binuksan mo ang inyong pinto at bumungad sa iyo ang nakangiting si Jimin.

"Wah! Ang bango naman g--" Bago pa man matapos ng kaibigan mo ang sasabihin nito ay tinakpan mo na ang kanyang bibig.  

"Shh! Magpalalaki ka muna please! Nandito si kuya." Bulong mo sa kanya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon