Sandals

111 1 0
                                    

Ako si Bobbi.

Meron akong dalawang cute na cute na anak,

Si Bobby na 25 years old, at si Babi na 25 years old din… kambal sila.

Kahit na tatlo lang kami, isa parin itong masayang pamilya.

Iniwan kami ng nanay ng mga anak ko noong mga bata palang sila.

12 years old lang si Bobby nang iniwan kami ng asawa ko,

Hindi ko na matandaan kung ilang taon si Babi nun.

Hanggang sa kasalukuyan,

Hindi ko parin matanggap na pinagpalit ako ng misis ko sa ibang babae.

Sana naman sinasabi na niya noon pa na tomboy siya,

Hindi naman ako magagalit e.

Okay na okay na okay lang naman sa akin kung mag-uuwi siya ng ibang babae..

Basta maganda.

Isang maulan na gabi,

Magkakatabi kami nila Bobby at Babi sa kama.

Natutulog na kami nun.

Sa ilang saglit lamang..

Nagising ako.

Nagising ako sa tunog ng maliliit na pakpak.

Nung una naisip ko na baka mga mumunting fairies lang.

Pero naalala ko na matanda na nga pala ako para maniwala sa fairies.

Sampung minuto ko nang hinahanap ang mga lumilipad-lipad na kung ano sa kwarto namin.

Ayoko ko namang buksan yung ilaw kasi baka magising ang mga baby ko.

Makalipas ang tatlong oras ay nakita ko din ang pinanggagalingan ng ingay.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko..

Tinanong ko ang sarili ko..

“Totoo ba to? Hindi kaya’y nananaginip lamang ako?”

Sumagot din naman ang sarili ko, “Totoo nga!”

..Isang brown, chubby, flying ipis!

Kinuha ko ang sandals ni Bobby,

Ay, sandals pala ni Babi yun.

Sorry magkamukha kase sila e.

At nung lumanding yung ipis sa dingding ay pumwesto na ko.

Papaluin ko na sana yung ipis e.

Nang biglang..

Lumipad yung ipis papunta sa mukha ni Babi!

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Litong-lito na ako.

Hahayaan ko na lang bang tapak-tapakan ng ipis yung mukha ng baby ko?

O hampasin ko nalang ng sandals yung ipis sa mukha ni Babi kahit masaktan siya?

Hindi ko na alam. Huhuhu

The Bobbi, The Bobby, and The BabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon