Mahirap

84 0 0
                                    

Ako si Bobby.

Ako ang isa sa dalawang kambal ng tatay ko na si Bobbi.

Ang pamilya namin ang pinakamahirap sa aming lugar.

At minsan hindi ko matanggap ang naging kapalaran namin.

Hindi ko maintindihan bakit kung sino pa ang mahirap,

Siya pang lalong pinahihirapan.

Ang saklap ano po.

Ang mga kapitbahay namin dito sa Barangay City ay alam ang aming katayuan.

Siguro nagtataka ka kung City ba ito o isang Barangay.

Isa itong Barangay na pinangalanang City.

Kaya Barangay City.

Sumasagi minsan sa aking munting isipan na mag-working student para sa pamilya ko,

Pero nakakatamad.

Humingi ako ng dagdag na allowance kay Tatay,

Pero sapat na daw ang 10,000 pesos per week.

Kaya natutunan kong pagkasyahin ang 10,000 sa loob ng pitong araw,

Pero hindi ito naging madali.

Dahil nga sa kalagayan namin,

Kinakailangan magtayo ng limang negosyo ng tatay ko.

Naiintindihan ko na minsan mainit ang ulo niya pagdating sa tahanan.

Pero hindi ko inaasahan na ang sarili kong ama ang magdudulot ng matinding hinanakit sa akin.

Sabado..

Magsshopping ako with all my single ladies.

Na-realize kong wala na kong pera.

Hayy.. hirap talaga maging mahirap.

Mabilis akong kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ni tatay para humingi ng pera.

Habang tumatakbo ako patungo sa kwarto niya,

Naalala ko na nag-gogolf pala yun tuwing Sabado,

Pero sana hindi pa siya nakakaalis.

Pagkalipas ng 20 minutes narating ko na sa wakas ang kwarto ni tatay.

Nakita ko ang golf bag niya kaya natuwa ako.

Ibig sabihin nun di pa siya nakakaalis.

Ngunit subalit datapwa’t hindi ko siya makita sa kwarto niya.

Nang palabas na ko ng kwarto,

May narinig akong humahagikhik,

Parang pinipigil na tawa.

Nang hanapin ko kung san nanggagaling ang hagikhik,

Nakita ko si tatay na nakatago sa likod ng kurtina.

“Andyan ka lang pala!”

Naiinis na sabi ko sakanya.

Sinabi niya sa akin na nagtago siya kasi alam niya na wala na kong pera at alam niya na hihingi ako.

Akala siguro niya makakaisa siya. Hehe.

Sinabi ko sakanya na kahit 8,000 lang okay na pangshopping,

Titipirin ko nalang.

Pagkatapos ay binigyan din niya ako ng pera.

Naisip ko na magandang oportunidad na din yun para magpaalam sakanya na magbabakasyon kami ng bestfriend ko sa Paris sa summer.

Ngunit naging malupit si tatay.

Sinabi niya na okay lang basta pagipunan ko daw.

Nabigla ako..

Pagipunan?!

Alam kong mahirap kami pero nun ko lang nasabi sa sarili ko na..

“Kawawa.. Naman.. Ako.”

Nagmukmok ako.

Tiningnan ko ng masama yung rubber band na nakasabit sa may door knob.

Ngunit hindi daw talaga siya magbibigay para matuto daw ako.

Akala ko hanggang dun nalang ang kalupitan na matatanggap ko nung araw na yun.

Pero nagulat ako ng sabihin niya na..

“Bakit hindi mo nalang ibenta yung kotse mo, anak?”

Sinasampal-sampal ko ang sarili ko at umaasa na isang bangungot lang ang lahat.

Pero totoo talaga ang mga pangyayari.

Ang sarili kong ama..

Ang sarili kong dugo’t laman na inaasahan kong makakaintindi sa akin,

Ang siya pang nagsabi ng masasakit na salita sa akin.

Matagal kong pinagisipan ang sinabi ni tatay.

Malapit na ang summer.

Wala na akong ibang magagawa kundi ibenta ang kotse ko.

May isang bagay lang na gumugulo sa utak ko.

Aling kotse ko ba ang ibebenta ko?

Yung black, blue, o yung pink?

The Bobbi, The Bobby, and The BabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon