1: The Pauper

168 6 2
                                    

Logan's POV

"LOGAAAAAN!!!! PAG DI KA PA LUMABAS DIYAN SISIRAIN KO TONG PINTO!"patay! Dagdag bayaran pa yan pag nasira!

"ISA!!!"lagot nagsimula ng mag bilang!

"T-teka!!!! Matatapos na ko!!!"sigaw ko ki Blaire.

Let me introduce myself first. :)

I'm Logan Zachary Carson. Mag isa lang ako sa buhay. Bakit? Kasi wala na kong mga magulang. My mom died of brain tumor and my father is living with his other family somewhere. Di pa nga patay si mama, iniwan niya na kame. Batang bata pa ko nun. At ngayon di ko na alam kung nasan siya.

"LOGAN ANO BA?! MALE-LATE NA TAYO OH!!!"Teka nga. Timeout muna drama. Mag bibihis lang ako. Baka palayasin pa ko dito sa apartment dahil sa babaeng yun.

Nag madali ako sa pag bihis at pinuntahan sa labas si Blaire bago pa niya pasabugin tong tinutuluyan ko.

"Alam mo ikaw talaga kahit kailan ang bagal mo!"sabi niya tapos ginulo gulo pa yung buhok ko. Naman! Kakaayos ko palang nito eh!

Ay bestfriend ko nga pala si Blaire. Magkaibigan na kami simula pa lang nung elementary.

*flashback*

"Blaire! Blaire! Pahiram naman niyang doll mo!"

"Oh ayan! Sayo na yan kung gusto mo. Di naman ako naglalaro niyan" sabi ng isang napa-cute na batang babae sabay hagis ng manika niya sakanyang kaklase.

Pagkakuha na pagkakuha ng kalaro ng manika ay iniwan na niya yung bata.

"Hoy!" Tawag ko sakanya.

"May pangalan ako"sagot niya.

"Blaire. Blaire ang pangalan mo di ba?" Tumango naman yung bata.

"Blaire, ba't di ka sumasali sa mga laro nila?"

"Ba't naman ako makikipaglaro sakanila e hindi ko naman sila kaibigan?"

"Ha? Hindi? Kinakausap mo nga sila e tapos pinapahiram mo ng mga laruan mo"

Ang alam ko kasi marami siyang kaibigan kasi ang mga mayayaman dito sa school magkakaibigan. Hiwalay ang mga mahihirap sa mayayaman.

"Yung laruan ko lang naman gusto nila e" sabi ni Blaire habang nakatingin sa sahig.

"Gusto mo laro tayo? Hide and seek. Walang kailangan na laruan yan!" Masigla kong alok at bigla namang nag liwanag ang mukha niya.

*end of flashback*

At simula nun naging magkaibigan na kami. Madalas na kaming naglalaro kahit na iba ang tingin ng ibang bata samin. Pano naman kasi, mayaman siya, mahirap ako e hindi naman yun normal na nagaganap sa society ngayon.

Mula elementary palagi na kaming magkaklase nitong si Blaire dito sa Northdale Academy. Kahit na di talaga kami magkaklase, nagpapalipat siya sa klase ko.

"Aray!" Putakte! Ang lakas mambatok nitong babaeng to!

"Sige tumunganga ka lang diyan. Lagot ka saken pag wala kang naturo mamaya"sabi ni Blaire.

Nasa klase kasi kami ngayon at since scholar ako, kailangan ko mag aral ng mabuti at since nga scholar ako, tinutulungan ko si Blaire sa mga ibang schoolworks niya. Bopols kasi to. Tamad mag aral. Hahahaha! Di naman ako nag o-honor pero sapat naman na yung nalalaman ko. Hahaha!

"Tss. Oo may naintindihan din naman ako sa lesson natin ngayon. Ikaw ba may naintindihan ka?"

"Pssh! Ano ngayon kung hinde? Andiyan ka naman eh!" Inakbayan niya ko't ginulo gulo yung buhok ko.

Sa susunod talaga di na ko mag aayos ng buhok. Nasasayang effort ko!

"Tara sa canteen! Gutom na ko!" Tapos hinila niya ako papuntang canteen.

Ang canteen talaga isa sa mga lugar dito sa school kung saan laganap ang chismisan. Actually kahit saan naman dito nagchichismisan parin ang mga studyante.

"Talaga? Oh em! Ano na kayang ichura niya ngayon?!"

"I think mas gumwapo siya ngayon"

"Oh my G! Sana naaalala niya pa ko!"

"Sana mapansin na niya ko"

"Anong mga pinagsasasabi nung mga panget na yun?"tanong ko ki Blaire na parang patay gutom kung kumain. Lakas talaga nito sa pagkain. Daig pa nga ko niyan sa pagkain e. >____<

"Ah. Kasi babalik na ulit dito yung 'prince charming' ng lahat at nag iisip sila ng plano kung pano nila yun marerape"sabay kagat sa burger niya.

Prince charming? Sino naman kaya yun? Tss. Sigurado namang mas gwapo pa rin ako dun. Hahaha!

So yun, after ng klase, diretso ako sa cafe na pinagtatrabahuhan ko. That's right. Barista ako dito.

"Oh my gosh he's so handsome!"

"Oh my! Bukas na siya haharap sa public!"

"Sht! I need to call my derma now! Baka makita niya yung pimple ko bukas!"

"Girls let's buy a new dress for tomorrow! Para makta niya ang true beauty naten!"

Ang iingay naman ng mga babae dito. -_____-

"Ma'am, here's your caramel macchiato"sabi ko nung pag serve ko nung order ng isa dun sa mga babae.

"Thanks"sabi niya habang nakatingin parin sa phone niya.

Nakita ko naman yung mga pinagtititingnan nila sa phone nila.

Pictures ng isang lalake sa airport. Tss. Ito na ba kinakaingay nila. Eh mas gwapo pa ko diyan e!

Napailing nalang ako at aalis na sana kaso tinawag ulit ako nung babae.

"Wait!"sigaw niya.

Syempre nilingon ko naman siya.

Tiningnan niya yung phone niya, tapos tingin saken, tingin ulit sa phone niya tapos tingin ulit saken. Punyeta nakakagago na to ah!

"OH MY GOD GIRLS!"

"Why?"

"Baket?"

"Yes?"

Sagot nung mga kasama niya sakanya.

"He looks like prince Spencer!!!"sigaw niya tapos nagsitinginan naman yung mga kasama niya sa phone nila, tapos tingin saken, tingin ulit sa phone nilatapos sakin ulit. Lintek! Nakakagago na talaga!

"OH.MY.GOD!"sabay sabay nilang sabe.

"Huh?"sabi ko lang. Di ko kasi maintindihan tong mga babaeng to. Papasapak ko nga to ki Blaire minsan. Puro "oh my god" nalang kase parati!

"You look like him oh"sabi nung isang babae sabay pakita sakin nung picture sa phone niya.

Yung lalakeng nasa airport.

EH MAS GWAPO PA NAMAN AKO DIYAN AH!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

1st chapter, done! Yehet! What do you guys think?Hahaha!

ADD.VOTE.COMMENT!

The Prince And The PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon