Hi guys, this is whmaria at your
service. Ito ang unang story na sinulat ko na hindi werewolf at first story in Filipino. Kung trip niyo namang basahin ang iba ko pang stories, feel free to visit my profile at paki-follow na rin.
Authors Note:
Ang mga karakter at lugar sa kwento ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng may-akda. May mga lugar na nabaggit sa kwento na inimbento lang. Feel free to imagine kung saang lugar niyo gusto ang setting ng story.
Warning: No rude comments please. Constructive criticisms are appreciated.
*******
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang sigaw ng mga taong nasa paligid ko. Parang ayaw na yatang mag-process ng utak ko.
Si Ashton.....
Sa lakas ng impact ng sasakyan, hindi ko alam kung makakaligtas pa siya. Hindi makapag-react ang buo kong katawan. Para akong tanga. Nasa kabilang parte na ako ng kalsada at ang duguang si Ashton nasa gitna ng daan at pinalilibutan ng mga tao.
Oh God. Kasalanan ko 'to. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanyang masama.
Dali-dali akong pumunta sa gitna at hinawi ang mga taong nakikiusyoso.
Parang may pumiga sa puso ko nang makita ko siyang duguan na parang wala nang buhay.
"Ashton." Nanginginig kong tawag sa kanya. Unti-unti akong umupo sa tabi. Puno na ng dugo ang damit ko, dugo ng pinakamamahal ko.
"Baby, please gumising ka! Parang awa niyo na tumawag kayo ng ambulansya." Sigaw ko.
Kandung-kandung ang ulo ni Ashton, umiyak lang ako ng umiyak.
"G...geo...geogie." Kahit nahihirapan na siyang huminga nagawa niya pa ring sambitin ang pangalan ko. Napuno ng saya ang puso ko. Laban lang baby please. Agad kong hinawakan ang kamay ni Ashton.
"Ashton, please kumapit ka lang wag mo kong iwan." Hagulgol ko, wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin.
"Ma...hal kita." Sambit niya bago siya nawalan ng malay.
Parang fountain ang dalawa kong mata. Iyak lang ako ng iyak na para bang wala na si Ashton. Hindi ko man lang napansin na dumating na pala ang ambulansya.
"Miss, kailangan niyo munang tumabi para malagay sa stretcher ang pasyente." Sabi ng volunteer.
Labag man sa loob ko, kailangan ko munang bitawan si Ashton.
BINABASA MO ANG
Bad Boy's Lost Memories
RomanceHindi akalain ni Georgina na babalik pa siya sa East Ville matapos ang malagim na aksidenteng bumago sa buhay niya. At makita niyang muli ang taong pilit niyang kinakalimutan. Pero mapagbiro ang tadhana, sa bawat iwas niya ay siya namang lapit ng ta...