Prologue

96.4K 467 56
                                    

I looked at him with a determined look on my face.

Okay, this is it. Inhale, exhale...

"I will give you any amount of ransom money that you want, just give me my freedom," I bargained.

Hindi siya nagsalita. Ngumisi lang siya at tumayo sa sofa para lumapit sa akin. Kahit naman gusto kong umiwas, wala na akong aatrasan. It's a dead end for me.

Ikinulong niya ako sa magkabilang bisig niya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, pati ang paghinga niya sa bawat salitang binibitiwan niya, nararamdaman ko.

"I don't need your money. I have that. Marami rin ako n'yan," mayabang niyang sabi. He's still a cocky ass just like when I first met him. "But since you're offering, I only want one thing..."

I clenched my fist. He is provoking me, but he is seriously messing with the wrong girl!

"Name it. Kahit ano pa 'yan, ibibigay ko. Kayang-kaya ko 'yang tapatan," matapang na sagot ko sa kanya.

I need to show to him that I am not easily intimidated. Kahit pa gaano siya kalapit, kahit halos dumikit na ang katawan niya sa katawan ko. Hindi ako pwedeng magpatalo.

"Really?" ngumiti siya, tsaka niya inilapit ang mga labi niya sa tainga ko. "Then, I want your love for ransom."

W-what?! He's asking my love as a payment for my freedom?!

No way!

Love For RansomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon