Carry

7 3 3
                                    

"Paano mo nagawa yun saakin?!" Sigaw ko sakanya habang naka sabunot sa buhok ko.

"I-am sorry ... H-hindi ko sinasadya" nakaluhod na sabi niya habang nag mamakaawa saakin.

Lumuhod ako sa harap niya at saka hinatak ang buhok niya.

"Hindi mo sinasadya! Pero bakit mo parin ginagawa!" Umiiyak na sigaw ko sakanya.

"N-nasasaktan ako Kevin!" Sigaw niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Nasasaktan!? Alam mong mahal na mahal kita tapos lolokohin mo lang ako ha!" Sigaw ko sabay hila ng buhok niya.

"K-kevin nasasaktan ako! Bitawan mo na ako!" Sigaw niya saakin.

Ipinadapa ko siya sa sahig at saka pumatong sa likod niya.

Lumapit ako sa mukha niya at saka
bumulong.

"Alam mo bang ang sakit makita na may kasama kang iba!" Madiin na sabi ko.

Narinig ko naman siyang humikbi.

"ALAM MO BA YON!" sigaw ko at saka inuntog yung ulo niya sa sahig.

"Araw araw tinitiis ko lahat ng nakikita ko! Nagbubulag bulagan ako para sayo tas ito lang igaganti mo saakin ha! Ano bang nagawa ko at ganto ang iginaganti mo saakin!" Umiiyak na sigaw ko habang inuuntog ang ulo niya sa sahig.

Binitawan ko yung buhok niya at saka napaupo sa sahig.

Napahawak nalang ako sa mukha ko at saka umiyak.

"I killed her... I killed my wife" inis na sabi ko sabay hilamos sa mukha ko.

Simula ng araw na iyon natatakot ako na baka magtanong ang anak naming lalaki kung nasaan ang mama niya.


"Son can you please massage my shoulder?"

Pero inilingan niya lamang ako at naglakad papunta sa kwarto niya.




Isang araw tinanong niya ako ng puno ng pagtataka.












"Daddy why are you carrying mommy on your back everyday?"




* The End *

Thank you for reading

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CarryWhere stories live. Discover now