"Break na tayo,itigil na natin to.This is not working anymore." Cold na pagkakasabi ni Troy.
"Wag please.Nagkulang ba ako? magbabago na ako para sayo kung ano mang gusto mo susundin ko,wag mo lang akong iwan.Mahal na mahal kita troy"
Ayoko.Akin lang sya.Ayoko. Para akong batang umiiyak dito na naagawan ng kendi.
"Sorry,pero ayoko na talaga" Cold na pagkakasabi nito sabay naglakad papalayo.
Wala! gagawin ko lahat,wag nya lang ako hiwalayan.Di ko kayang mawala sya sakin *sniff*
Hinawakan ko yung paa nya."Please,babe.Don't do this.Di ko kayang mawala ka sakin,please i love you" alam kong muka nakong tanga dito pero di pwede,Ayokong mawala sya sakin.No.
"Tama na Cheska,pwede ba hindi na kita mahal" pilit nyang tinatanggal yung kamay ko sa hita nya.Lalo lang ako humahagulgol.Napabitaw nalang ako ng iwagayway nya yung binti nya.
malabo na yung mata ko ng dahil sa mga luha.
Ngunit tinitignan ko parin sya kahit na papalayo.
"I love you,Troy please wag" pabulong na sabi ko.
Ayoko na.Bat ba ganto?
Lagi nalang akong nasasaktan.
Akala ko sya na talaga.
*nagdaan ang isang lingo*
"Cheska,move on na.Tama na yan,di sya worth it para iyakan.Tara kain nalang tayo" pagkakasabi nya ng nakangiti.Ang swerte ko talaga dito kay Ann.Kababata ko sya,or should i say Bestfriend? haha
"Oo tama.Hindi dapat sya iniiyakan.Bulaklak ako tutubi sya.Masyado akong maganda para iyakan pa sya" napangiti ako sa aking nasambit sabay nauna na maglakad.