Chapter 4: Names

221 10 5
                                    

ETO NA ANG UPDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATE!

HAHAHAHA

SORRY TUMAGAL. AYY GRABE ANG TAGAL KO MAGUD! PASENSYA!

OI MAGVOTE AT MAG COMMENT KAYO! KUNDI PAPATAYIN KO NA NG TULUYAN SI WILLIAM ARRRGGGGG =____=

AYUN MAIKSI LANG...PASENSYA XD

---RAINE PAIGE

_____________________________________________________________________________

Lee’s POV

“Uy Lee! Lee! Wala ka talagang matandaan? Kahit kontiiiii? “

“Ang ingay mo. Sabing wala nga”

Bakit ba ang init ng ulo ko. At bakit parang…parang ang sakit ulo at sa dibdib nung narinig ko pangalan nya. Cindy Celine Santos. Bat parang pamilyar ang pangalan na yun. Naiinis ako kasi parang may gusto ako maalala pero walang pumapasok sa utak ko! Arrrrrrrg!

“L-lee? Sure ka okay ka lang talaga? Di ka nangangain ng tao noh? Nakakatakot ka nanaman >__<”

“Okay lang ako haha. Para kang bata.”

Ginulo ko buhok nya at nagulat kami parehas sa ginawa ko. Bat ko ginawa un? O___O Ayy ewan! Tumayo ako at lumabas saglit. Okay pala dito, ang presko ng hangin. Tahimik rin.

“Pano nyo ba ako nakita?”

“Hmm..pano nga ba?..Naglalakad ako pauwi galing palengke tapos nakita kita na naglalakad. Parang pagod na pagod at di na kaya. Nilapitan kita kagad tapos nakita ko duguan ulo mo. Kala ko nga multo ka >__< pero humihinga ka naman eh kaya hindi naman siguro >__< Ayun dinala kita dito samin ni lola. May dala dal aka nun eh..”

“Pwede makita ko kung ano ung dala ko?”

“Ayyy! Si lola nagtago eh. Mamaya bibigay ko sa’yo pagkauwi ni lola. Teka! Mamamalengke pala ako! Iwan muna kita dito.”

“Isama mo ko! >.>”

“Ha?! Mabaho dun. Bahala ka.”

“W-wag mo ko iwan please?”

“O-okay..”

Ayoko mag isa. Parang ang lungkot magisa. Sabin i Cindy magbihis daw ako kaya ayun nagpalit ako ng damit. Pumunta kami ng palengke at ako pinaghawak nya nung basket. Ganito pala itsura ng palengke. Iba amoy at ang gulo ng tao. Pero mukhang masaya kasi lahat sila magkakakilala. Nakatingin sakin ung ibang tao.

“B-Bakit nila ako tinitingnan?”

Gwapo ka kasi

“Ano??”

“Ahh..sabi ko BAGO KA KASI DITO. Di pamilyar mukha mo.”

Ahh okay. Suguro nga. Bumili sya ng isda, gulay at kung ano pa. Binisita rin namin si Lola sa pwesto nya. Sinabi nya kay Cindy kung saan nakatago ung gamit ko. Habang naglalakad kami may nakita ako sa labas ng palengke nang magandang kotse na puti. Parang di naman bagay sa itsura dito. Hmm..Bat kaya un nandito? Naglakad kami malapit dun sa kotse at naglakad na papauwi.

“WILLIAM!!!!!!!!”

Bigla akong napatigil

“Oh lee? Bakit?”

“Wala, may narinig lang ako”

Naglakad kami ulit pero narinig ko nanaman

“William! William! Si Aph to!”

Napatingin ako sa likod at may nakita akong magandang babae. Nakatingin lang sya sakin at parang naiiyak. Kilala nya ba ako?

Sinubukan kong lumapit pero pinigilan ako ni Cindy.

“Uy san ka pupunta?! Pano kung masamang tao yan! Takbo na tayo!”

Hinila nya ako at tumakbo kami papauwi. Di ko alam bat ako tumatakbo pero sinundan ko na lang sya.

“Nababaliw ka na ba?! Wag ka sasama sama kung kani kanino! Pano kung masamang tao un >___<”

“Sorry. Naawa kasi ako dun sa babae. Tsaka parang kilala nya ako.”

Pumasok sya sa loob ng bahay at binaba ko ung mga pinamili nya. Bigat pala nun ah.  -__-

“Ayy teka! Ung ibibigay ko pala!”

Umalis sya at pumasok sa kawrto ata ni lola. Umupo lang ako sa may silya. Inaalala ko ung itsura ng babae. Parang…P-parang pamilyar talaga sya. Bat kaya sya malungkot? Sana mahanap nya ung hinahanap nya.

“Lee. Eto na oh.Nakita namin yan na hawak mo”

Kinuha ko ung inaabot nya. Singsing tsaka litrato. Ung singsing parang ang mahal. Tapos tiningnan ko ung litrato. Ako tapos may kasama akong babae. Ang ganda nya.  Biglang bumilis tibok ng puso ko. Bakit ganito? Tiningnan ko ung likod ng litrato kung may nakasulat.

My king! Merry Christmas! :)”

King? 

TLoS 2: The Lonely Prince [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon