Ralph Lauren: Coincidence (ONE SHOT)

25 4 2
                                    

This story is Dedicated to slmgtls HAPPY BIRTHDAY TO YOU!

"Ralph Lauren" bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang tatak ng damit na iyon.

Shete naman si Lolo! May Ralph Lauren ba talagang tatak na damit dito?! Eh puro dickies,nike,bench at polo ang tatak na nakikita ko eh! Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ni lolo ang tatak na iyon eh parepareho lang naman nagkakaiba lang dahil sa tatak. Tsssss. Kainis

"Ahm excuse me miss saan po ba makikita yung Ralph Lauren na tatak ng damit dito?" tanong ko dun sa sales lady. Nakakamuryot na wah. May laro pa kami mamaya eh! Baka malate ako! Augh!

"Sa second floor po ma'am blah blah blah blah blah blah" daming dak-dak eh .

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng sales lady na yun. Yung totoo?! Ano kailangan niya kadaldalan,kausap o kachikahan?!  Haaayysss  sorry ka ate dahil wala akong ganang makipag chikahan!

Bumaba ako mula sa third floor pa second floor. Hinanap ko yung section kung saan itinuro ni ate daldal. At ayun nga sa wakas nakita ko na!

"Excuse me nga" sabi ko dun sa lalaking nakaharang! Paharang-harang eh kalamo kanila tong Mall! Kainis.

Tiningnan ko yung lalaki na ngayon ay nagsimula ng maglakad! Aba suplado tong lalaking toh wah! Wag ka papakita sakin! Hinanap ko na yung size at kung ano yung gustong damit ni tanda! At ayun sa wakas nakita ko na. Napatingin ako sa ibaba kung saan may ID na nahulog. Aba kung hindi nga naman papaladin ang nakahulog nito oh. Pinulot ko yung ID at pinamulsa ko muna at pumunta na sa cashier at kung mamalasin ka nga naman ang haba ng pila!

"Kainis! Kainis! Kainis ka tanda!" bulong ko sa sarili ko.

"At isa ka pang tatak na damit ka! Ralph Lauren! Ralph Lauren pa kasing nalalaan!" medyo na palakas ata ang pagbulong ko sa sarili ko dahil napatingin yung lalaki. Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong ako kung bakit.

"At isa ka------" napa tigil ako sa pag bulong ko sa sarili ko na para kong tanga.

Dahil may katangkaran itong lalaking nasa harapan ko ay tiningala ko muna siya at laking gulat ko ng siya yung sinabihan kong excuse me nga kanina. Aba what a coincidence nga naman oh. Nako itatatak ko na sa utak ko iyang likuran mo!

"Next" sabi nung cahier lady. Salamat naman at ako na kasunod.

Umalis na yung lalaking yun. Salamat naman.

"Blah blha blha blah blah---" inabot ko yung credit card dun sa cashier lady aba eh kung ano ano pa sinasatsat eh kita namang nagmamadali ako.

Ng matapos na siya ay agad kong kinuha ang pinamili ko at ang credit card ni tanda. At agad agad akong pumunta sa labasan para makatawag ng taxi. At swerte ko ata this time dahil  nakakuha agad ako ng taxi at pagbukas ko ng pinto,pagsakay,pagsarado at pagsasasabi ng place kung saan ako pupunta ay kaparehas ng sa lalaking ito! Tiningnan ko siyang mabuti at!! Walaaaaahhhhh! Siya yung lalaki sa mall! Ako ba'y pinaglololoko ng lalaking ito at aba nag-earphones pa ang loko.

"Don't stare at me like that stupid" Kingina men! Masusumpa ko tong bruhildo na ito!

Tinanggal ko ang ear pods niya sa kanang tainga niya at gulat naman siya sa ginawa ko.

Ralph Lauren (ONE SHOT) Where stories live. Discover now