Chapter 2
Maagang nagising si Megan at nag linis sya ng bakuran. Nilapitan sya ni Aleng Lea.
Lea: Kayo pala ang nakabili ng bahay na yan.
Megan: Oo. Ako nga pala si Megan.
Lea: Ako si Lea.
Megan: Matagal ka na ba sa lugar na ito.
Lea: Oo.
Megan: Nasaan na ang mga may ari ng bahay?
Lea: Nag ibang bansa na sila. Yung anak ng may ari ng bahay ay nandito lang sa pilipinas.
Megan: May mga kababalaghan ba sa bahay na ito?
Lea: Wala naman kami nababalitaan.
Megan: Ah ok.
Lea: Maayos ang pamilya nila dito sa lugar dati.
Megan: Mabuti naman.
Hindi na nag tagal makipag kwentuhan si Megan kay Lea dahil inasikaso pa nya ang mga bata na papasok sa school at ang asawa na papasok sa trabaho.
Ilang sandali na lang ng may kumatok sa pintuan.
Megan: Sino sila?
Pedro: Ako nga pala si Pedro at ito naman si Nard. Kami yung inutusan ng dating may ari ng bahay para tignan kung may mga sira pa ang bahay.
Megan: Sige tuloy kayo.
Pedro: Matibay pa ang bahay dahil gawa sa narra.
Megan: Oo.
Pedro: Kami kasi ang nag ma-maintenance ng bahay ng may ari dati.
Megan: Ah ok.
Pedro: Ang mga bago pala sa bahay na ito ay ang mga gamit nyo at mga antique ano?
Megan: Oo. Mahilig kasi ang asawa ko sa mga ganyan.
Pedro: Ah ganon ba.
Nard: Sya nga pala Mrs. pinalitan namin ang nga tubo para maging maayos ang kusina nyo noong nakaraang araw.
Megan: Mabuti naman kung ganon.
Pedro: Ilan pala kayo dito sa bahay?
Megan: Apat lang. Kaming mag asawa at ang dalawa namin anak na babae at lalaki.
Pedro: Ah ok. Babalik na lang pala kami sa makalawa dahil aayusin yung sa garahe. Hinihintay lang namin yung ibang materyales na gusto ng Mr nyo.
Megan: Sige.
Nard: Kung may problema tawagan nyo na lang kami.
Nag bigay ng calling card si Nard kay Megan saka sila umalis. Nag linis naman ng kusina si Megan.
BINABASA MO ANG
Bed Time Story
Mystery / ThrillerAng isang kalukuwang hindi matanggap ang pagkamatay ay hindi ito matatahimik at mag hihiganti sya sa mga taong nanakit sa kanya. Hindi rin matahimik ang mga napatay nya at naka attached sila sa mga bagay o isang lugar at nananatiling nag hahanap sil...