Paalam Sayo, Mahal ko.

72 3 0
                                    

Oo aaminin ko perpekto siya hindi ako nahulog sa panlabas niyang anyo, nahulog ako sa kanyang busilak na puso.Magkaibigan kami at hanggang dun lang yun. At oo nga pala mahal ko siya, mahal na mahal, oo alam niya pero kagaya ng sinabi ko hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin. Huli siyang pumasok araw-araw sa eskwelahan, ngunit sa puso't-isip ko siya lagi ang nangunguna, siya ang dahilan kung bakit ako kumakapit sa patalim kahit na alam kong hinding-hindi siya mapapasakin. Oo masaya, masayang-masaya siya iba habang ako naririto patuloy pa ring umaasa.Pinilit ko siyang limutin pero hindi eh siya pa rin talaga ang tibok ng aking puso. Kailan ba darating ang araw na iyong malalaman na ako'y sayo at ika'y akin lamang. Tanong ko lang, Mali bang magmahal? Mali bang humangad ng kasiyahan? Mali bang magbakasakali? Mali nga talaga dahil ako lang naman ang sumusugal at sa huli ako lang din naman ang masasaktan.Siguro nga kailangan ko ng bumitaw, bumitaw sa patalim, kalimutan ang mga alaala ngunit sa bawat paghimlay ikaw pa din ang nasa panaginip ko at pagdating ng umaga para bang sinasampal ako ng realidad at pilit akong ginigising sa katotohanan. Tunay ngang mahirap magmahal, masarap mahalin.Bakit ba sa araw-araw ng pagdilat nitong mga mata ko ikaw parin ang hinahanap ng puso ko, bakit ba hindi ko makayanang magmahal ng iba. Hindi naman ako basura pero bakit mo ko bina-balewala, hindi rin naman ako tae ah kaya please lang wag mo naman akong iwasan, tao din ako nasasaktan.

Malabo, malabong maging tayo, malabo ding makalimutan kita. Sana nama'y makahanap na ako ng iba, para naman makalimutan na kita. Mahirap magmove on kahit hindi naging tayo OA na kung OA mahal lang talaga kita . Sana sa pagpikit nitong mga mata ko mabura na ang mga ala-alang magkasama tayong dalawa, masaya pero kahit kailan di mo nilagyan ng malisya.Pero lagi mong tandaan na minahal kita, panahon na para hayaan ko naman ang sarili kong sumaya.Paalam Sayo Mahal Ko.

Paalam Sayo, Mahal Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon