CHAPTER THREE: Leche....Plan

97 2 2
                                    

CHAPTER THREE:  Leche… .Plan

<Third person's POV>

Kinabukasan sinusundan ng palihim nina Challzie, Danica, at Francine si Aileen. Si Aileen ay ang leader ng ‘Mean Girls’ at yung ‘Walk-out Queen’ na nakita ni Keith. Kung paano nila nalaman? Well, they have their own connections.

Pumasok si Aileen sa CR..

Sumilip muna sa pinto yung tatlo at nakitang nanalamin si Aileen at pumasok sa cubicle. Pumasok rin sila at nag-usap/parinig habang nananalamin.

“Girls, wait. Asan si Keith? Kasama lang natin kanina yun diba?” Medyo malakas na sabi ni Challzie.. Hindi naman halatang nagpaparinig ano?. XD

”Kasama niya yung bago niyang fling. Andun ata sila sa garden.” –Sagot ni Danica

“Fling? Sino naman yun?” –Kunwaring nag-uusisa si Challzie

“Yung isang cute na varsity player ng soccer ata yun? Naunahan nga ako eh.” –Singit ni Francine

“Weh? Anung name?”  -Challzie

-----

Habang nag-uusap sila, nakikinig naman si Aileen mula sa loob ng cubicle.

‘Varsity player ng soccer? Fling? Sino kaya yung nilalandi nun?’ Sabi niya sa isip niya. Pero wala siyang maisip kung sino yun kaya naman nakinig muna siya upang malaman kung sino yun.

“Hmm.. Jack ba yun? James? O Jonathan? Ah basta! Letter ‘J’ yung start ng name niya.”  -Francine..

Nang marinig yun ni Aileen iyon bigla siyang pinagpawisan ng malimig. Hindi dahil natatae siya. Kundi kinakabahan siya kung sinong fling ni Keith ang tinutukoy ng Crazy Angels.

“Ah ganun ba? Hayaan mo na yung si Keith sa gusto niya. Minsan lang naman siya gumanyan pati madami ka na naman eh! Okay na yun.” –Sabi ni Challzie kay Francine.

“Hahaha! Oo nga naman. Di mo na nga naaalala yung mga pangalan sa dami eh!”  -Pagsang ayon ni Danica kay Challzie

“Aba! Di kaya (=3=) Tara na nga kay Keith! Pinapapunta tayo nun eh.”  -Pagrereklamo ni Francine sa dalawa.

”Okay let’s go!” –Danica

Umalis na yung tatlo sa C.R. At naiwan sa loob ng cubicle si Aileen ng nakatulala sa loob ng cubicle.

“Letter J?.. Ilan lang ang name sa Varsity ng soccer na nagsisimula sa letter j. Teka.. Si Jonnel,.. Pero hindi yun ang panget kaya nun, imposibleng patulan yun ni Keith. Hmm si Jiyan? Pero may kumakalat na gossip na bakla daw yun. Si James kaya?. Ang hot kaya nun tas ang gwapo pa.” Parang timang na kinakausap ni Aileen ang sarili niya sa loob ng cubicle.

Crazy AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon