Unang araw ng pasukan,
Ika'y aking nasilayan.
Ako'y biglang natigilan,
Noong ikaw ay tignan.
Ako ay lubhang nabigla,
Nang ika'y tumingala.
Titig ko'y lalong lumala,
At ang puso ko'y natuwa.
Noong ikaw ay lumabas,
Ang puso ko ay kumalas.
Nang ika'y naging matikas,
Puso ko'y gustong pumiglas.
Ako ay biglang nalungkot,
At nabalot 'ko ng puot.
Nang ang babaeng sumulpot,
Ay biglaang pumulupot.
Kayo'y sobrang natutuwa,
San'yong mga ginagawa.
Habang ako ay kawawa,
At ako'y walang magawa.
Noong kayo ay umalis,
Ako ay naghihinagpis.
Paa ko'y hindi maalis,
Na para bang maglilinis.
YOU ARE READING
Sa Unang Tingin(Soon to publish@Scrittore Publishing"What life really is Vol 2")
PoetryEto ay 'Tagalog Poem' kung saan isinulat ko para sa taong na 'LOVE AT FIRST SIGHT'.