Chapter 10: Confession ∞

173 1 0
                                    

*~Nathan's POV~*

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila pero hanggang ngayon wala pari akong nasasabi sa kanya. Hindi ako makapagsalita parang natotorpe na ako, hindi ko naman akalain na ma-iinlove ako eh kasi hindi naman talaga ako na-inlove. Ngayon lang nangyari sa akin to

"Salamat sa paghatid, geh alis na ako" sabi nya

Hindi ako nagsalita pero ng aakmang bubuksan na nya ang pinto hinawakan ko ang kanang braso nya na syang kinagulat nya

"Dito ka muna" yun na lang ang nasabi ko

Akalain nyong isang Nathan Drew Salvatore ay magiging dakilang torpe?

"Baka hinahanap na ako ni papa, gabi na oh. May sasabihin ka ba?" dirediretso nyang sabi

"Kasi kung wala aal---" putol ko

"Meron Liesse" sabi ko

"Bakit ka ba nagalit kanina ng makita mo akong nandoon sa kwarto ni Steph?" tanong ko

"Hindi ko alam" agad nyang sagot

"Liesse" sabi ko

"B-bakit?" tanong nya

"May sasabihin sana ako sayo" ayan na! sasabihin ko na talaga hindi na pwedeng ipagpabukas pa to

"Ano yun?" sabi ni Liesse

*~Liesse's POV~*

Ano bang nakain nitong lalaking to at bigla-bigla nalang may sinasabing kung anu-ano

"Liesse" sabi nya na pagka husky na boses

"B-bakit?" na uutal kong sabi, bigla naman kasi akong kinabahan dun

"May sasabihin sana ako sayo" patuloy nya

"Ano yun?" sagot ko naman

"Kasi" paputol-putol nyang sabi

Ano ba talaga sasabihin nitong kumag nato at bakit hindi nalang ako diretsuhin?

"Ano nga? Kung hindi man yan importante aalis nalang ako at baka nag-aalala na yung papa ko. Hoy! Hindi ka naman nagsasalita jan eh!" may lahi nab a akong nagger? Haha

"Hoy! Ano na ba yung sasabi---"

"Mahal kita"

Nagulat ako sa sinabi nya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung anong gagawin ko. Natahimik kaming dalawa, hindi naman to totoo diba? Panaginip lang naman to, mamaya magigising na ako.

"Liesse"

"Hindi naman kita manamadali eh! Kung gusto mo na ipakita ko sayo kung totoo ba itong sinasabi ko, gagawin ko handa akong naghintay"

"Ah! Ha-ha-ha, sige aalis na ako *yawn* kanina pa ako inaantok eh" yun nalang ang nasabi ko saka ako nagmadaling lumabas

Nakapasok na ako sa loob ng bahay ng beso kay papa saka dumiretso sa kwarto. Naligo na at humiga na sa kama buti nalang tulog na si Dre.

Mahal kita

Mahal kita

Mahal kita

Mahal kita

Mahal kita

Paulit-ulit na nag eecho yun sa utak ko. Bakit ba hindi ko yun makalimutan? Naman kasi eh! Siguro hindi lang ako makapaniwala na ang isang mayaman na lalaki ay magsasabi sa akin ng ganun not to mention isang Nathan Drew Salvatore pa? Oha? San ka pa? matutulog na nga lang ako.

Mahal kita

Kyaaaaaah! Kahit nakapikit na ako yan parin naiisip ko. Ay! Bahala na nga, matutulog na talaga akooooo!

Mahal kita

Mahal kita

Mahal kita

>.<

The Bad Boy ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon