MAY I BORROW YOUR BALLPEN? ( MY inspiration )

94 1 0
                                    

dahil sa ballpen nag ka crush ako ng isang katulad niya

dahil siguro sa pinapakita niyang talino 

trixie : hay! nako pasukan nanaman..

SUBJECT NG FILIPINO

mam. viray : okey class sino ang pwedeng mag kuwento sa atin na alamat ng pinya 

siguro naman alam niyo yon dba?

student: opo!

raymund: mam! 

mam. viray: oh? bienes

raymund: Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak. 

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak. 

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin. 

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain. 

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang. 

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata. 

( nang natapos ikinuwento ni raymund )

(nag palak pakan ang mga kaklase nito)

mam.viray: sinabi ko bang palak pakin niyo siya? wala naman diba??

(nagtunguhan ang mga studyante)

mam.viray: okey! cllass.. tama ang sinabi ni bienes ..

trixie :D

TRIXIE'S POV

(oh? diba ang talino niya? dun palang malalaman mo na? pero d ko pa masyado siyang kilala)

mam. viray: okey class! good bye!

student: good bye mam viray!

SUBJECT NG VALUES..

mam. bautista : okey ! class ngayun mag bubunutan tayo gagawa tayo ng groupings at ako na ang bahala sa cartolina na gagamitin ninyo..

GROUP 6

(TUMINDIG ANG MGA NAKABUNOT NG 6 NA GINAWA NI MAM. BAUTISTA )

mam bautista : sinong gusto ninyong maging leader..

MAY I BORROW YOUR BALLPEN? ( MY inspiration )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon