Author's note: First of all I just want to clear na ang title nito ay hindi tulad ng nasa mga utak nyo! Alam ko ang laman ng mga utak nyo at same lang tayo guys BUT hindi ito tulad ng iniisip nyong nakakadiri. Ito ay istorya na kung saan nagsimula ang lahat dahil sa napkin kaya ito ang naisip ng author na maging title, so para mas maintindihan nyo ang istorya better to read it until the end. Actually this is my first story so please support me guys!!! Prologue Kinakahiyang bilhin ng mga babae sa tindahan at grocery Para sa usapang pambabae lamang at labas na dito ang mga boys Karamay ng mga babae kapag nagbago ang mood at nagiging masungit o magagalitin ka, buwan buwan na nandyan upang patnubayan ka at ilayo sa kahihiyan Pero aminin kailangan talaga natin ito kahit na minsan naiinis ka kasi tabingi ito. Haha!! Dahil sa bagay na ito nabuo ang di inaasahang pagmamahalan ng dalawang taong magkaibang magkaiba lalo na sa ugali. Ito ang naging paraan upang pagtagpuin ang dalawang tao na para sa isa't isa. Kaya eto na ang kwento na nagsimula sa isang bagay na nakakawala ng dangal para sa mga babae kung nakita ito ng mga lalake dahil isa itong malaking KAHIHIYAN sa side ng babae. So here the story begins....
SEF'S POV
Nagmamadali akong maglakad este tumakbo pala dahil late na ako sa unang klase ko ng biglang " Aray!" Ano ba yan bat ba kasi ang daming nakapalibot na pader dito? Ouch! angsakit nun ah... pinulot ko na ang mga gamit ko na bumagsak sa sahig... pero..bat...bat...
Bat may paa yung pader na nabunggo ko!!!! Eh?Seriously Sef? Paano magkakaroon ng paa ang pader?. Tumingala ako at OMHYGHAD! hindi pala pader aang nabunggo ko, isa pala itong gwapo slash heartrob slash bad boy ng school namin ang nabunggo ko!
" WHAT!! " bulyaw nitong gwapong nilalang na to saken . May maitim na aura ang makikita sa mukha nya.
Nakakatakot siya para siyang papatay ng tao at ako ang next na bikyima niya! Bakit ang sama ng ugal n lalakeng to! Hindi pa rin sya nagbabago.
Hind ko palalagpasin ang pagiging ungentlemen ng niya. Hindi man lang siya magsorry samantalang siya ang di tumitingin sa daanan. Tumayo ako saka hinarap siya. Sana di na lang ako tumayo kasi ang tangkad nya pala nahihiya na tuloy ako. Ano kayang height nya? Kahit siguro magcherifer ako hindi ko sya matatangkaran. Hindi nga tumatalab ang cherifer sa akin eh. So tama na ang kwentuhan baka makalimutan ko pa ang gagawin ko sa lalakeng halimaw na to.
" Ikaw! Kapreng lalake ka! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na humingi ng paumanhin!" bulyaw ko sa halimaw na to. Oo halimaw na siya sa paningin ko ngayon.
"WHAT!" gulat na sagot nya sa akin mas sumama pa lalo ang aura niya. Sa oras na ito handa na syang pumatay ng tao.
Napaatras ako sa takot, pero hindi parin maalis ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko siya papayagang yurakan niya ang pagkababae ko dahil sabi ni Mommy wag daw akong papaapi. Kaya itayo ang bandera ng mga tanga! este naaapi pala!!. Go Sef! Kaya mo yan kahit mas matangkad siya kesa sayo! Ok give me some moral supports guys!!
" What are you staring at!" Parang gusto ko ng magback out ah. Nanginginig na ang tuhod ko sa takot. Di ako makapagsalita at naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid ko.
"Grabe kawawa naman si Sef " chismosa one. "Oo nga bakit kasi di tumitingin sa daanan si Sef yan tuloy nagalit si Mr. Hearthrob" chismosa two
Grabe rinig na rinig ko yung BULUNGAN nila.