MEN in ACTION 1: AEON SANTIAGO

38.7K 743 10.7K
                                    

                                                            MEN IN ACTION 

                                                    series 1: AEON SANTIAGO

   

                                                              Chapter 1:

 

"BODYGUARD? Para saan 'yun, Dad? Bakit kailangan niyo pang mag-hire ng bodyguard?" tanong ni Crimson sa ama. Isa kasi itong heneral, matino at istrikto. Si Gen. Johny Dela Fuente..

"Para sa proteksyon natin, anak. Hindi ko maaaring isugal ang kaligtasan niyo ng kuya Jayson mo. Lalo na at mainit ang kasong hawak ko laban sa mga sindikato." paliwanag nito.

"I admire you a lot, Dad. Sana huwag mong hayaang makalusot sa kamay ng batas ang mga bad guys na 'yun."

"I will get them for sure, baby." sabay haplos sa buhok ng bunso niyang anak. Spoild ito, lalo pa at babae.        Kapagdaka'y nagpaalam na ito sa kanya. Excited na bumaba ng hagdan si Crimson, yes! May pang- shopping na naman siya. Nang di sinasadyang nadulas siya sa kanilang hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali at padalus-dalos na kilos.

Pabagsak na sana siya ng maramdaman niyang may matitipunong braso ang sumalo sa kanya. Napatingala siya at tinitigang mabuti ang mukha ng kanyang "hero". Mayroon itong medyo makapal na kilay, malalantik na pilik mata na brown ang kulay at mapupungay na gray eyes. 

Matangos ang ilong at maganda ang korte, sensible ang mga labi nito at makinis ang mukha. Heart shape ang mukha nito na medyo pangahan at bagay na bagay dito ang balat-pinoy nitong kulay.

Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Napakagat-labi si Crimson, tinamaan na yata siya ng mahiwagang pana ni Cupid!

"S-Salamat." kandautal niyang wika. nanlalambot ang tuhod niya. 

Hindi na nga niya namalayang tinulungan pa siya nitong makatayo ng maayos habang nakaalalay pa rin ito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at nahulog na yata sa sahig ang sutil na puso niya!

"Walang anuman, Ma'm. Nasaktan po ba kayo?" magalang nitong wika sa kanya. 

Wow talaga! He's got a sexy barit voice... Bumitaw na ito sa pagkakaalalay sa kanya.

"M-Ma'm?" napatanong niyang wika. Ngumiti ito ulit sa kanya bago nagsalita.

"Ako nga pala si Aeon Santiago. Ako ang na-hire na bodyguard ng Daddy mo, Ma'm Crimson."

"Saang agency ka galing?" curious niyang tanong.

"Isa ako sa member ng MEN IN ACTION." maikli nitong sagot. Nai-stammer siyang bigla. 

MEN IN ACTION- sikat ang military agency na ito ng government dahil bukod sa professionals at magagaling ang mga military men dito, eh nuknukan pa ng kaguwapuhan ang mga miyembro nito. 

And now, confirmed na nga ni Crimson na totoo ang balita tungkol sa mga GORGEOUS MEN ng MEN IN ACTION.

"Excuse me, Ma'm. Maiwan ko na po kayo, kailangan ko nang puntahan ang Daddy niyo." paalam nito bago siya nilagpasan at pumanhik na ng hagdan.Nang walang anu-ano'y...

"Aeon, gusto kita!" sigaw ni Crimson. Gulat na napalingon ang binata. Napangiti nalang siya at naiiling na iniwan si Crimson.

"Mrs. Crimson Santiago. Hmm... Bagay!" palatak pa ng dalaga.

MEN in ACTION 1: AEON SANTIAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon