Chapter 3: Lucio sementeryo

14 2 4
                                    

Maevis POV :

Nagsimula na ulit ang klase, tapos na rin ang breaktime. Pero hanggang ngayon wala pa yung asungot na katabi ko. Ano kaya nangyari sa mga yun? Teka~

Teka~

Teka nga!!

Bakit ko ba iniisip yun. Ano bang pakialam ko kung anong mangyari dun.

"Psst." Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang paswit ni Yassy. "Bakit ang lalim ng iniisip mo diyan? Namimiss mo ba yung katabi mo? Yieee~" tukso niya na kinakulo naman ng dugo ko.

"Ano!? Hindi nuh! Nagkakamali ka Yas, wala akong iniisip at lalong hindi ko iniisip yung lalakeng yun. Sino ba siya sa akala niya?" Pagdadahilan ko sa mga tanong ni Yas.

"Eh? Kanina ka pa kaya nakatingin sa upuan ng katabi mo. Ibig sabihin namimiss mo siya. Yieeee~ Maevis Brillantes may hindi ka sinasabi sakin. Yieeeeeeeeeee~" yung mukha ni Yassy nakakainis yung tipong nakataas ang isang kilay at nakangiti.

Nang-aasar ba siya? Bakit ko naman mamimiss yung lalaking yun. Eh basugulero, walang modo, bastos at higit sa lahat masama ugali. Kaya walang dahilan para mamiss ko yung lalaking yun. Tss~

"Maevis kilala kita. Alam ko kapag may iniisip kang iba o wala." Anya ni Yassy

"Wala nga Yassy sabi! Promise wala. Makinig ka na lang. Okay?" Ngumiti siya at tumango simbolo ng pagsang ayun sa mga sinabi ko.

Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng notebook para ilecture ang tinuturo ng teacher namin sa harapan. Pero bigla akong may napansin.

Nasaan ang diary ko?

Chaslie POV :

"Chas nasisiraan ka na ba? School service yun ng one week!" Paggalit na tanong sakin ni Appa. Kanina pa niya ko kinukulit tungkol sa bagay na yun. Di ko rin naman siya masisisi kasi di nga marunong magwalis ng bahay yan.

Naglalakad kami papuntang canteen, kasi kanina pa ko nagugutom. Siya naman nakasunod lang sa gilid ko at patuloy parin sa pangungulit, yung tatlo naman pinauna ko na sa room nila. Bukas pa naman kasi magsisimula yung parusa namin, kaya sa ngayon malaya pa kami.

"Tatlong burger isang C2 raspberry at tatlong stick ng eggball, salamat manang!" Pagkatapos kong sabihin yun kinuha ko yung mga pagkain ko at umupo sa kung saan malapit na table sakin.

"Manang na kay Appa po ang bayad."

"ANOOOO!?" Pinagdilatan ko siya ng mata at pagkatapos nun, napilitan siyang magbayad ng mga inorder ko. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Eh kung sa tutuusin mas mayaman pa samin tong si Appa.

Ang totoo niyan galing sa mayamang pamilya tong mokong na to. Di mo lang mahahalata yun dahil di mo naman talaga mapapansin sa kanya. Sa unang tingin, mukang patay gutom, at parang wala ng pag asa sa buhay. Pero ang totoo nagmamay ari sila ng isang kompanya.

"Utang yan Chas." Yan ang sabi niya pagkatapos niyang maupo sa harapan ko.

"Hoy tukmol, ano pangalan nung bago?" Tanong ko sabay kagat ng isang burger, napatingin lang siya at parang di niya narinig ang sinabi ko. "Pangalan."

"Ahhh~ Ang alam ko Yassy.... Yassy Yara. Yun ang pagkakarinig ko."

Yassy Yara.

Bigla akong napaisip siya kaya yung kausap kanina nung babaeng (Maevis) yun?

Yassy POV:

Tapos na ang klase at kanina ko pa napapansin na parang abala sa paghahanap ng kung ano si Mae sa loob ng room.

"Maeviiiiiiiiiis~ ano ba hinahanap mo?" Walang buhay kong tanong habang nakaupo sa adviser table. Wala ng tao sa loob maliban samin dahil uwian na for lunch. At gutom na gutom na ko.

Tongue TiedWhere stories live. Discover now