One shot - Unsaid (Pangalawa Part II. IAN's POV)

245 10 14
                                    

 Dedicated kay luminatina! Hi ate, I love your one-shots kasi. I really adore them! Sana magustuhan niyo to! :) Eto na ang POV ni Ian!

                                                     One Shot - Unsaid

                                              All Rights Reserved 2014.

--

IAN'S POV

"Ian! Ian!" Pinasa sakin ng kalaro ko yung bola tapos shinoot ko sa ring then..

*SHOOT!* "Wooooh!" Sabay sigawan ng mga kalaro ko kasi panalo na naman kami. Haha.

"Ang gwapo gwapo talaga ni Ian!" Malantod 1.

"Korek ka diyan gurl! Galing pa magbasketball!" Malantod 2.

"Hay, Ian! Marry me!" Malantod 3.

Lahat ng tao sa gym nakatingin samin. Ang ganda ganda niya, lalo na kapag tumatawa. Kasama niya ngayon yung mga kabarkada niyang sila Ely, Morgan, Marina, Ina, Trin, Ruh, Yenny, Cindy, Eya, Terry at si Megan. Oo, hindi si Megan.

Kundi si ChaChi. Si ChaChi, na di ko alam kung anong nararamdaman ko sakanya.

June 3, 2010. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon dahil yun yung araw na nagkakulay bigla yung mundo ko. 1st yr highschool, dun ko nakilala si ChaChi. Naging magkaclose kami nun. Ala pa kong gusto sakanya nun dahil kay Morgan pa ko may crush, pero may iba na kong nararamdaman sakanya.

Nung 2nd yr kami, nagkahiwalay kaming section kaya di na kami masyadong close. Pero naging sila nung bestfriend ko. Ang sakit sakit sakin nun kasi mahal ko siya nun at sila nung bestfriend ko. Kaya nung nagbreak sila, tinry ko siyang ligawan pero sabi niya MU muna kami. Masayang masaya ako sa relasyon namin. Pero narealize ko, yung bestfriend ko sinagot nya, pero ako hindi. Rebound lang ako. Pinapaasa nya lang ako. Kaya nagdesisyon akong itigil kung ano man meron samin.

3rd yr, tinry ko magmove on pero hindi ko kaya. Kasi mahal ko parin siya. Naging magkaklase kami uli. Nagbibigay ako ng signs sakanya na gusto ko pa sya. Tinanong ko sakanya kung pwede ba maging kami uli, pero binaliwala niya lang. Gusto ko siyang balikan. Naging sobrang close namin kaso nalaman ko, sila na pala nung Jake na 2nd yr. kaya nawalan ako ng pagasa. Naging kami ni Morgan pero di ko siya sineryoso. Nagbreak din kami ni Morgan at nagbreak din sila ni Jake. Inamin sakin ni Chachi na ako pa din yung mahal nya, grabe. Sobrang saya ko nun. Ako na yata yung pinaka masayang lalaki sa buong universe. Kaso, naisip ko ang mga ginawa nya sakin. Nagdesisyon akong gumanti at paasahin siya. At dahil dun, nawala pati friendship naming dalawa. Nagsisi ako nun dahil pinairal ko ang pride ko.

4th yr highschool, di na naman kami magkaklase. Pero I tried to win her back, kaso ayaw na niya eh. Masyado ko na din siguro siyang nasaktan. Tapos, di na nya ko pinapansin masyado at sabi niya, gusto nya, bestfriends lang. Nabalitaan ko na nagkakamabutihan na sila nung transferee na pogi, si Cody. Ang sakit sakit nun. Iniyakan ko yun ng sobra. Kaya nanligaw ako ng iba pero pinaasa ko lang din. At nabalitaan ko na sila na pala. Dun ko nakilala si Megan. Sikat si Megan dahil maganda, mabait, matalino. Wala paring makakatalo kay Chachi pero, tinry ko na kalimutan si Chachi. Tinry kong mahalin si Megan. Alam kong lahat ng tao iniisip na mahal na mahal ko si Megan. Nagkakamali sila, dahil hanggang nalilito parin ako. I would choose Megan over any other girl. Except Chachi. Si Chachi ang diwata ng buhay ko.

Napaka lakas ng appeal at ganda nitong babae na to. Yung kilay niyang hate na hate niya dahil makapal daw, pero maganda naman katulad nung kay Lily Collins. Yung ilong niyang pango pero bagay naman sakanya. Yung labi niya na maganda, na pwede kong halikan buong araw kung papayag siya. Yung mga ngipin niya na nagbibigay liwanag kapag ngumingiti siya. Yung pisngi niya na malaki pero masarap kurutin. Yung buhok niya na amoy chocolate. Yung braso niyang malaki daw pero sexy naman tingnan. Yung katawan niyang sinasabi niyang mataba pero di naman. Yung pagkatao niyang mahal na mahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot - Unsaid (Pangalawa Part II. IAN's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon