6:00 am
Convo with my bestie
AC: totoo ba yung sinabi mo?
blythe: na ano?
AC: na papasok kana ulit ng school?
blythe: oo eh, kinakabahan nga ako sa naging desisyon ko.
AC: hayy lord salamat at narinig nyo po ang dasal ko.
blythe: baliw ka talaga!
AC: hay nako! masaya lang ako noh! at naisipan mo ng pumasok ulet. tsk miss na kaya kita :<
blythe: miss na rin kita e.
AC: doncha worry na bezzy, magkikita na rin naman tayo bukas. sabi ni austin sakin naayos na daw ni tito yung mga requirements para makapasok ka daw sa school e.
blythe: yasss, ikaw ah. dumada moves ka na naman sa kapatid ko!
AC: hoy hindi ah! kapal mo. sya kaya unang nagchat sakin. ano kala mo?
blythe: talaga ba? wait. let me ask austin.
AC: Oo na Oo na! ako na unang nagchat sa kanya! i hate you na!
blythe: grabe hate agad? joke lang naman yun. o sya bukas nalang. late na rin e. bye bye muah!
AC: Goodnight! muah.
--------------------------------------------------------------------------------
7:15 Am.
"Blythe? Ready kana ba? Malapit na tayong umalis"
"Yes dad, susunod nalang ako sa labas"
pag labas ko, si Daddy at Austin naka tingin lang sakin
"bakit? ano meron, bat kayo nakatingin?"
"Uhm, seryoso kaba dyan Ate Blythe? papasok kang May box sa ulo?"
"Oo naman. ano naman problema dito?"
"Walang problema blythe.. sige pasok kana sa kotse"
Ang weird nila. siguro akala nila tatanggalin ko yung box ko sa ulo. nope dyan sila nagkakamali. madami akong makikitang tao mamaya, ayokong makita nila yung Ugly face ko.
------------------------------------------------------------------------------------------8:00 AM (McDreamer University)
"Austin, Blythe andito na tayo"
"Bye daddy. ingat ka papuntang office, ate tara na bumaba ka na dyan"
pag ka baba ko ng kotse naramdaman ko na yung pagka kabado ko. Omg what to do? andaming tao sa labas... may mga naglalaro, nag uusap, may mga nagpapractice ng sayaw, may PDA. ang daming tao
"Austin... ano, uhm haha... mauna kana"
"Ate blythe, tara na. wag ka ngang matakot. andito ako oh"
Habang naglalakad kami ayan na ang mga bubuyog jusq.
"bakit may box sa ulo nya?"