MC 1: The Bestfriend

1 0 0
                                    


Stephanie

Ako nga pala si Stephanie, isa akong proofreader sa isang publishing company. Ayokong banggitin yung buong pangalan ko kasi nakakahiya! Nakakahiya talaga!! Pramis! Hahahaha pero paboritong paboritong sabihin ng babaita kong best friend yung buong pangalan ko. Boset siya

"This is!" Kumakanta siya hahaha

"The part where!" Dito ako nakitulog kagabi kasi wala lang. Tinatamad ako mag-isa sa bahay

"I say I don't want ya" sigaw niya habang ginagawang mic yung spatula

"I'm stronger than I've been before" sinabayan ko na siya habang naka hands up in the air kami with matching kaway

Ganto kami pag sinaniban ng pagka singer. Feeling may concert hahahaha

Nagluluto na pala siya ng umagahan namin. Egg, bacon at fried rice.

"Wow! Yum! Yum! Yum!" Parinig ko sa kanya habang umuupo sa parang bar area niya. Pag kaming dalawa lang, mas gusto namin dito kesa sa Dining table. Wala lang trip lang namin hahahaha

"Hoy! Stephanie Baby Evangelista! Wag kang feeling prinsesa!! Kumuha kang kutsara tinidor don!" Sabi sa inyo e. Paborito niya talaga yung pangalan ko letse siya

"Pwede namang Stephanie na lang eh!" maktol ko habang kumukuha ng kubyertos. Yes naman! Filipino woooooh!

"Pwede naman talagang Steph o Stephanie lang e" Napangiti ako ng sabihin niya yun. Yes! Sa wakas! ititigil niya na ang pagtawag sa'kin ng Baby juice ko!!

"Pero mas maganda talaga yung Staphanie Baby HAHAHAHAHAHAHAHAHA" hala tawa niya o?

Ang saya niya di'ba? Grabe.

------------------------------------------------

"Hoy Ppanyang bilisan mo!" Sigaw ni Rica, best friend ko.

Nagkakilala kami nung college. Blockmates kami. Nung nakita ko siya, hindi ko alam pero napatitig ako sa kanya. Parang ang sarap-sarap titigan ng mukha niya. Yung tipong kahit feel mo na magsuicide bigla na lang nawawala lahat ng problema mo kasi nakita mo siya. Ganun. Ganun yung pakiramdam. 

Parang may something sa kanya na hindi ko mapin point e. Basta kapag nasa paligid siya, lahat gumagaang kaya nakipagkaibigan ako sa kanya. Simula noon lagi na akong masaya. Parang basta nandiyan siya kuntento na ko

Ang alam ko ulila na siya pero hindi siya nago-open sakin. I mean nago-open siya sa'kin pero hindi sa past niya. Ang sabi niya lang great grandparents niya ang nagpalaki sa kanya. Ewan ko kung paano yun pero napakalupit. 

Iniisip ko nga na baka maaga nag-anak yung great grandparents niya, tsapos ginaya ng grandparents niya, at ganun din yung ginawa ng magulang niya. Kasi ang galing naabutan niya pa yung great grandparents niya. Ako nga 2 years old pa lang ako namatay na ang daddy(lolo sa father side) at lola(lola sa mother side) ko e, tapos yung great grandparents niya ang lalakas. Akala ko nga maaga din mag-aanak tong isang 'to e.

Ang sabi niya rin sa'kin home school siya at pinilit niya lang ang mga lola niya na payagan siyang mag-university kaya binili sa kanya tong apartment na 'to. Actually malaki 'tong apartment niya. Parang bahay na bungalow style. Ayaw niya daw kasi ng 2 storeys, mapapagod lang daw siya. Feeling ko nga mayaman tong babaitang 'to e. May mga cards kasi siya. Take note, MGA. Meron siyang debit, credit, at ATM cards. Pero yung ATM lang ang lagi niyang dala, since nakilala ko siya yung na yung gamit niya. Lagi lang siya nagwi-withdraw nun. Sabi niya sa'kin padala daw ng lolo niya. Kung titignan mo din yung mga gamit dito sa bahay niya, simple lang pero makikita mong mamahalin talaga. Tapos laging may laman yung storage box niya ng mga pagkain, every 2 or 3 weeks siyang nagg-grocery. Gusto ko na ngang dito na lang tumira.

"Stephanie Baby Evangelista! Isa! Iiwan na talaga kita" AY ayan na. Nagiging impokrita na HAHAHAHAHA

"Teka wait!! Andyan na" Although hindi niya tinototoo yang mga banta niyang ganyan, binilisan ko pa rin. Paglabas ko naka long sleeves lang siya.

Eto yung gusto ko sa trabaho namin, walang dress code or something ka ek-ekan ganyan kaya kahit ano pwede naming isuot.

naka checkered lang naman ako na polo tsaka jumper. Nerdy look ako today gyaha kaya mabagal ako kumilos kasi nahirapan ako sa get-up ko na 'to.

Etong isang 'to naman naka long sleeves siya, yung lagpas siko lang naman tapos black na jeggings saka sneakers. O diba? Sobrang simple niya talaga! Tapos backpack lang

"Hoy nerd wannabe! Ano na?" sabi niya habang nakapamewang

"Tulala ka na naman sa ganda ko" ewan ko ba pero kapag siya nagsasabi niyan hindi tunog mayabang, tipong she's just stating a fact ganoin

"Oo na, ikaw na effortless na maganda! Wear this glasses para terno tayo!" Sabi ko sa kanya saka isinuot sa kanya yung Rayban na walang grado.

"Iyan!! Ganda mo!" Sabi ko sa kanya. Mukha siyang manika

"Yeah yeah whatevs" sabi niya sabay kindat at flying kiss sakin kaya natawa na lang ako. Whatevs daw tsuu

Hindi naman talaga ako ang bida dito. Gusto ko lang na ako ang magsimula ng narration ng buhay ng isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ko. Siya si Rica Angela Versoza. My cupid.

====================

Orayt! Pinag-iisipan ko kung gagawin ko ba siyang Third person's POV? What do you think?

My CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon