MC 2: The Matchmaking

2 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Good morning!" Magiliw na bati ni Rica, o mas kilala bilang Angel, sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

"Good Morning Angel, Steph" Sigaw naman sa kanila ng head nila na si Elaine

"Wow!! Nerdy tayo today ha?" Bati naman ng kasamahan nila sa trabaho na si Nathalie na naging dahilan ng pagngiti ni Steph dahil napansin agad ang ayos nila.

"Bagay ba namin?" Tanong ni Steph sabay kapit sa best friend niyang si Rica

"Yeah! You look like a high school tapos si Angel naman ay mukhang College. Ganda niyo" Sabi ni Nathalie

"Hay nako. Akala ko nga male-late pa kami dahil sa pagbibihis niyang ganyan eh" Sabi naman ni Angel

"Tayo? Male-late? Oh come on! Imposibleng ma-late ang isang tao kapag kasama ka Rica Angela" Sabi ni Steph habang naglalakad papunta sa desk nito

"Do not call me Rica Angela" simangot na sagot ni Rica saka sinundan ang best friend.

"Whatever you say, gorgeous" sagot ni Steph sa kaibigan.

Naiilang pa rin si Rica kapag tinatawag siyang 'gorgeous' kahit na halos maging palayaw niya na ito.

"Okay guys! Let me introduce to you, our new workmate" Biglaang sigaw ni Miss Elaine kaya napatayo ang lahat.

"Guys this is Kurt. He's a fresh graduate. Be good to him 'kay?" Sabi sa kanila ni Miss Elaine kaya't napasagot sila in chorus ng "Yes Miss"

"Ang cute niya no?" Bulong ni Nathalie kay Angel

"Okay lang" Sagot naman nito

"Cute kaya!" Pilit ni Nathalie at siniko si Angel na naging dahilan ng mukhang muntikang pagtapon ng hot choco nito

"Walangya ka" Sabi ni Angel kay Nathalie ng nakasimangot

"Sarreh" sagot lang ng dalaga habang tumatawa

"And oh! Nathalie!" Sigaw ni Miss Elaine na nagpatuwid kay Nathalie

"Yes Miss?" sagot nito

"Tour him around" Sabi ni Miss Elaine saka tinapik sa balikat si Kurt at sinabihang si Nathalie na ang bahala dito

"omayghad" bulong ni Nathalie kay Angel saka tumakbo papunta kay Kurt na ikinatawa naman ng dalaga dahil alam niyang nahihiya ito. Hindi ito sanay sumama sa mga lalaki kaya natawa siya ng siya ang atasan ng head nila na mag-ikot sa bagong empleyado

"Uhmm, hi, Kurt?" Alanganing tanong ni Nathatlie kay Kurt

Napansin ni Steph na nakatitig sa dalawa ang kaibigang si Angel kaya siniko niya ito

"Type mo?" Tanong ni Steph sa kaibigan

"Di no" sagot nito saka humigop ng hot chocolate nito

"Bat nangtutunaw ka?" makahulugang tanong nito saka itinaas baba ang mga kilay

"Bagay sila" sagot ni Rica sa kaibigan

"Oh yes, Kurt Suarez" sagot naman ng lalaki saka inabot ang kamay

Tila nagulat si Nathalie sa pag-abot ng kamay ni Kurt kaya napatingin siya sa gawi nila Steph. Hindi niya malaman ang gagawin at napansin agad ito ni Rica kaya kinindatan niya si Nathalie.

"Yeah! Mr. Suarez, uhm hi! Nice to meet you" Sagot nito saka inabot ang kamay

"Oh uhm by the way, uh the name's Nathalie but you can call me babe" Parehong nanlaki ang mga mata nila Steph at ni Nathalie sa nabigkas. Napatakip pa ng bibig si Nathalie.

Napangisi lang si Rica sa nakita at bumulong kay Steph

"So she knows how to flirt" saka humarap sa Desk nito at binuksan ang pc.

Tumawa ng peke si Nathalie sabay sabing "Just kidding. Come, I'll show you around" at saka inikot ni Nathalie ang bagong ka-trabaho.

"Woah! Did you just see that?" Sabi ni Steph kay Rica

"Yeah I saw that. Now let's get to work. chop chop" saka nag-unat ng mga daliri si Rica.

Maya-maya pa ay pinuntahan ni Nathalie ang magkaibigan na sila Steph at Rica para kumain ng tanghalian

"Tara eat! Tom Jones na me" Sigaw ni Nathalie sa magkaibigan

"Tara tara! Nakaka suya tong pinu-proofread ko, ang cliche ng story" sagot naman agad ni Steph saka nag-ayos ng gamit habang si Rica ay isinave muna ang mga nagawa niya at niback-up.

Nahuli ni Rica si Nathalie na naka-sulyap kay Kurt kaya nilapitan niya ito.

"Yayain mo din" Suwestiyon ni Rica kay Nathalie

Tinignan ni Nathalie si Rica mula ulo hanggang paa na tila sinisigurado kung ayos lang ito.

Nathalie snapped her fingers accross Rica's face and said

"Duh? Ok ka lang? Ako yayayain siya? Excuse me" sabi ni Nathalie saka inikot ang mata

"Wait, may gusto ka ba kay Kurt? Oh my g! Ikaw ha!" Biglang balik ni Nathalie kay Rica saka tinusok ang tagiliran nito.

"For the nth time, nope. And..." Pinitikan din ni Rica si Nathali tulad ng ginawa nito sa kanya kanina "'Wag mo kong paandaran ng kunwaring panunukso diyan tapos ikaw naman talaga ang may gusto. Alam ko na yang mga galawang ganyan Nathalie" Litanya ni Rica saka kinuha ang backpack.

"Let's go sago!" Sigaw ni Steph pagka-ayos niya ng gamit niya.

"Steph o! Si Nathalie may gusto kay Kurt! Yayain mo dali!" sabi ni Rica kay Steph. Agad nagningning ang mga mata ni Steph na nagpalaki ng mata ni Nathalie.

Oh no! Baka maisigaw ni Steph kaya bago pa ito makatili ay tinakpan na ni Nathalie ang bibig ni Steph at saka mariing sinabi kay Rica na "Oo na yayayain ko na" saka umirap at lumapit kay Kurt.

Napangisi na lamang si Rica.

"Hi Kurt! May kasabay ka na?" Tanong ni Nathalie kay Kurt.

"You're right" sabi ni Steph nang magtabi sila ni Rica.

"About what?" Balik tanong ni Rica sa kaibigan.

Nginitian lang ni Kurt si Nathalie saka umiling.

"Sila. Bagay nga sila" Sabi naman ni Steph sa kaibigan

"Tara. Eat with us. Introduce kita kela Angel" Sabi naman ni Nathalie saka hinila ang pulsuhan ni Kurt.

"Told you" sagot ni Rica kay Steph.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon