Chapter 5: The letter (Finale)
Tempest Phoebe's POV
Isang linggo na pala ang lumipas nang namatay si Chami. Hindi ako pinayagan ni mama na pumunta sa burol niya. After that, naalala ko na siya, kung sino ba talaga siya, kung anong ginawa namin dati. Siya pala yung kulang sa akin. Nagsisi ako na nakalimutan ko siya. Kung hindi ko lang siya nakalimutan magiging masaya pa sana kami. Huli na nung naalala ko siya, wala na siya.
May ibinigay na letter at isang maliit na box sa akin si Tita na galing daw kay Chami na dati pa niyang sinulat na dapat ibibigay niya sakin paglaki namin. Natatakot pa akong basahin iyon. Hindi ko parin kasi matanggap na wala na siya.
Nagaalala na nga sa akin si mama dahil hindi na daw ako nakakakain ng maayos, hindi na daw ako masyadong nagsasalita. Bumibisita din sina Elijah at Catrina at pinipilit akong mapakain kasi raw namamayat na ako. Naiinggit nga ako sa kanila eh, kasi ang saya nila. Pagbuhay pa sana si Charles magiging ganun sana kami.
Nakahiga ako ngayon habang nakapatay ang ilaw at tinitingnan yung picture naming magkayakap nung bata pa kami. Bakit kaya ito tinago sa akin ni mama? Binaba ko iyon at inabot ko naman yung letter at yung maliit na box. Gusto kong tingnan pero kinakabahan ako.
Siguro ngayon na yung tamang oras na basahin ko ito. Binuksan ko yung sobre at binasa yung sulat.
Wala ka man sa tabi ko, palagi parin kitang naiisip,
iniisip mo din kaya ako Tempy? Alam mo ba na
lagi kong inaalala yung dati pati ung promise natin
lalo na yung masasayang alala natin. Sama mo na
yung ngiti mo napakaganda. Maalala mo man ako
o hindi papakasalan pa din kita kasi ikaw yung
unang babae na minahal ko at ikaw na ung huling
mamahalin ko. Sorry dahil hindi kita nailigtas sa
aksidenteng iyon. Oo, bata pa tayo pero hindi iyon
rason para hindi kita mahalin. We don't need a
reason when loving someone. Thank you because
you made me the most happiest man in the world.
Mahal na mahal kita pero mahal mo rin kaya ako?
Eto na yata yung panahon para tanungin kita.Hindi ko na napigilan yung pagiyak ko. Isasarado ko na sana yung sobre nang may nakita pa akong papel sa loob. Binasa ko ito.
Dear Tempy,
Kung binabasa mo man ito, naalala mo ba ako? Alam mo ba miss na miss na kita. Mula nung nawala ka ang lungkot ko na. Naalala mo pa ba yung promise natin?
Pagkatpos ko basahin binuksan ko yung maliit na kahon. Then may papel ulit pero nakatupi ito ng apat na beses.
Dear Tempy,
Ilang taon ko itong hinintay para mangyari ito.
Ilang taon ko itong pinaghandaan.
Ilang taon akong nagipon para rito.
Pwede bang magtanong?Pagkatapos kong basahin iyon may maliit na sticky note sa loob. Binasa ko ito.
Basahin mo yung mga unang letra ng bawat linya ng pababa sa 1st letter na nakita mo sa sobre.
Unang letra? Kinuha ko yung sulat na sinasabi dito. Binasa iyon ng malakas.
Wala ka man sa tabi ko, palagi parin kitang naiisip,
iniisip mo rin kaya ako Tempy? Alam mo ba na
lagi kong inaalala yung dati pati ung promise natin
lalo na yung masasayang alala natin. Sama mo na
yung ngiti mo napakaganda. Maalala mo man ako
o hindi papakasalan pa din kita kasi ikaw yung
unang babae na minahal ko at ikaw na ung huling
mamahalin ko. Sorry dahil hindi kita nailigtas sa
aksidenteng iyon. Oo, bata pa tayo pero hindi iyon
rason para hindi kita mahalin. We don't need a
reason when loving someone. Thank you because
you made me the most happiest man in the world.
Mahal na mahal kita pero mahal mo rin kaya ako?
Eto na yata yung panahon para tanungin kita.
BINABASA MO ANG
The One - cmpltd
Short StoryForgetting is the ability that the heart is unable to do. -pat Naaksidente. Nagkacoma. Nagkaamnesia. Nangibang bansa. At... nakalimutan ka. But despite that, would you still fight for your love and make her remember you? Will you still fulfill your...