Chapter 7: Doppelganger?

29.1K 422 14
                                    

Elise

Pagpasok ko sa mansyon ay nakapila ang lahat ng maids, guards at ang butler ko sa hallway. Pagdaan ko ay tumango ang lahat at bumati sa akin.

"Maligayang pagbabalik po Young Master." Sabay sabay na sabi ng mga ito. Nilagpasan ko lang ang mga ito dahil wala naman akong ipag-uutos.

Maybe you are wondering why Master and not Lady. It's because in our family customs, it is what you call to the main family of our entire bloodline, specially the heads.

Isang family dinner ang naabutan ko. Kumpleto ang lahat maliban sa akin. My mom, dad, my sister at sinama pa nila si Kate.

"Elise. Maupo ka anak." Pag anyaya sa akin ni Mom. Hindi pa naman ako kumakain at nagugutom na ako kaya't naupo na ako sa tabi ni Mom.

"It's nice to see you around Elise." My Dad.

"So how's your dorm life?" Tanong ni Kate sa akin.

"Great." Tanging sagot ko lang sa babaeng dahilan ng paglalasing ko kagabi.

"Buti naman at nakaka survive ka ng wala ang mga maids mo?" Sabat naman ni Eunice, kapatid ko, the prodigy at ang paburitong anak. Hindi ko nalang ito pinansin. Nilalagyan naman ng mainit na kape ng isang maid ang baso ko ng biglang--

"Ouch! What the hell!" I shouted at that maid nang matapunan ang kamay ko na malapit sa baso.

"Naku s-sorry po young M-Master. Hindi na po mauulit." Tarantang sabi naman nito habang pinupunas punasan ang kamay ko.

"Talagang hindi na mauulit because you're​ fired!" I shouted at her.

"Wag po young Master, maawa po kayo, ako lang po ang inaasahan sa pamilya namin." She pleaded.

"How is that my problem?! Guards!" I exclaimed. At kinaladkad siya palabas ng dalawang guard na lumapit.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago sa hobby mo sis." Muling sabi ni Eunice sa akin. Talagang nang aasar pa.

"Excuse me." Pagkasabi ko ay tumayo na ako. I rushed upstairs to my room. Nawalan na ako ng ganang kumain.

"Elise darling, hindi ka pa nga kumakain." Pagtawag sa akin ni Mom.

"I'm fine Mom!" Trying to calm myself from that irritating spilled coffee.

Naupo ako sa kama at kumuha ng pamunas. Aside from burn ay may sugat ako sa fist. Ito siguro yung nakuha ko sa pader kagabi. After a while, I heard someone knocked at my door.

"Come in." I shouted at it. Si Kate pala at may dala siyang tray ng pagkain. Bakit siya ang nagdala nito? Bakit hindi nalang nila inutos sa maid?

"Hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita." Panimula niya.

"Iwan mo nalang sa table. Inutos niyo nalang sana sa maid nang hindi ka na naabala pa." Pag iwas ko ng tingin dito. Hindi ko na siya kayang tignan sa mata. Lalo't ngayon ay alam kong sila na ng kapatid ko. It hurts, I felt betrayed. Alam kong alam ng kapatid ko ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Kate. Is she doing that on purpose?

"Gusto kong ako magdala para makita kitang kumain. Gusto mo subuan pa kita?" Sagot naman niya.

"Iwan mo nalang sabi at salamat sa pag hatid." Malamig na tugon ko dito.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon