"Beginning of a new destination"

10 0 0
                                    

[PRINCESS ANASTACIA POV'S]


tapos na kaming kumain kaya ito na ako matutulog na.


"Gising!" rinig kung sigaw ng lalaki , ang aga aga nangigising ang kupal.

"Hoy! gumising kana dyan hindi ka maganda!" rinig kung sigaw ng lalaki ulit , ano ba siya tao ba siya! kita niyang natutulog pa ang tao eh.

"ano ba iyon~" sagot ko na walang gana sabay tinakip ko sa mukha ko iyong kumot.

"Gumising kana kasi!" sigaw niya ulit sabay hila sakin sa kama.

"Ahhhh!!!" Malakas kung sigaw , Ano bang trip nitong taong to, Wala ba siyang makitang laruan sa baba kaya ako ang pinagtitripan niya. tsk

"Ano ba iyon! kita mong natutulog pa diba!" pasigaw kung sabi sa lalaki pero kapeng mainit mapaklang tinapay! si Cj pala to, juicekopo este dyos ko po, Bakit siya nandito?

"Oh Cj anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nagsisimula na namang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Sinong cj Alien Girl?" sagot niya  ng wala sa modo, aba! nasisiraan na ba siya ng bait , isang araw pa lang ako sa bahay nila maka asta parang alipin na ako.

"Alam mo hindi porke nakatira ka dito sa bahay namin ay pwede ka ng mag buhay reyna." sabi niya habang papalapit ng papalapit sakin pero juicekoday iyong puso ko lalabas na sa katawang lupa ko sa sobrang bilis ng tibok. Bakit ba siya nagkakaganyan di naman niya gawain to ah. Pero sandali may mali.

"Hindi ikaw si Cj no? Ikaw siguro iyong impostor no!" pasigaw kung tanong sa kanya.

"Eh ano naman kung hindi ako!" pabalang niyang sagot habang papalapit ng papalapit sa mukha ko iyong mukha niya at umaaktong parang hahalikan ako, Aba nababaliw na ba talaga siya o hindi lang siya nakainom ng gamot ngayon. hahalikan niya na sana ako pero joke lang! maling hinala lang po ako.

"Ano akala mo hahalikan kita pfffttttt HAHAHA assuming ang putik" sabi niya habang tumatawa at halatang inaasar ako. tsk nakakainis talaga siya.

"Assuming?" Painis kung tanong sa kanya. paano ba naman kasi sobrang nakakainis talaga iyong ugali niya sa kaharian namin wala namang ganyan lahat nirerespeto ako pero siya hayst! asar!.

"Assuming ibigsabihin alien ka HAHAHAHA" sabi niya habang namumula na sa kakatawa. Ano bang trip niya bakit siya ganyan nakakainis na huh! nagsasabi ba siya ng totoo. Alien girl tsk! iyon lang ang naintindihan ko kasi dati noon bagong dating si Cj sa kaharian namin pinaliwanag niya kung ano ibigsabihin ng salitang Alieng Girl kasi binabanggit din niya dati ang salitang ito subalit tinanong ko kung ano ang nais niya iparating at naunawaan ko naman ito.

"Alam mo alien girl, Uso bumaba kasi tanghali na, wag kang feeling reyna dyan, pero kung ayaw mo naman kumain ok lang atleast di sayang sa bigas ops! ok lang naman pag dahon pinakain sayo diba?." Pang aasar niyang sabi sakin, nakakainis talaga siya sarap niyang gawing palaka kasi kamukha niya naman iyon eh.

"Uso rin pong bumaba para masimulan ko ng makapagbihis!." pasigaw kung sabi sa kanya ng may kasamang pagkainis.

"Akala mo naman susuyuin pa kita, sikat na celebrity lang ang sinusuyo ni Carlo Superstar pero iyong tulad mong alien hahaha nevermind, kung ayaw mong bumaba di wag! sinong may pake!" pasigaw niyang sabi sabay padabog na sinara ang pintuan .

makapagbihis na nga kasi simula na ang umaagang impyerno ng buhay ko.

grabe teh ang haba ng mesa nila parang mag sisigawan ata kami bago magkarinigan. bulong ko sa sarili pero bigla akong natigilan kasi tinawag ako ni tita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fairy Girl And The Twin Brother'sWhere stories live. Discover now