Chapter 4 (on-going flashback)

40 6 0
                                    

3rd Person POV- 

Tumagal ng ilang buwan sina Jacob at Danica. Masaya ang kanilang relasyon. Simpleng mag away lang naman at nagkakabati agad sila. Mas lalo pang nag pursige si Jacob sa pag aaral dahil nangako sila ni Danica sa isat isa na sabay silang gagraduate at magiging magna cum laude at cum laude sila. 

Sa loob ng ilang buwan nilang magkarelaston ay hindi pa sila naag away ng sobrang tagal . 

Mag away man sila pero di nila pinapalipas ang isang araw na di nila naayos ang problema. 

Natapos ang isang buong araw na walang Danica ang tumabi sa kanyang umupo. Di maipinta ang mukha ni Jacob dahil di niya nakasama at absent ang nobya. Pero napalitan ito ng masiglang anyo ng may natanggap naa text na galing sa nobya.

Nagsasabing mag aral siyang mabuti at pasensya na di siya nakapasok. Na late lang daw siya ng gising. 

Kinabukasan excited na , nagmamadali si Jacob na pumuntang paaralan dahil makikita na naman niya ang nobya. Pero sa kasamaang palad ay wala siyang naabutan na Danica na nag aantay sa kanyang upuan. 

Napilitan na namang mag aral si Jacob kahit wala siyang gana dahil sa naisip niya ang pangako nila sa isat isa. Mahal nga talaga niya ang nobya. 

Lumipas ang isa dalawa tatlo apat limang araw, isang linggo, isang buwan ..

Walang Danica ang nagpakita kay Jacob.

Walang Danica ang nag antay kay Jacob para salubungin siya uma umaga. 

Walang Danica ang nagsasabing mahal siya nito. 

Walang Danica ang nagsasabing wag kang matulog at makinig ka sa teacher. 

Parang patay si Jacob na pumapasok araw araw sa klase. 

Living dead ika nga nila. Pero kahit ganun ay pursigido siyang nag aaral para sabay silang grumaduate ng taong mahal niya.

Nanatili namang maganda ang grades ni Jacob sa kabila ng nararamdamang pangungulila sa kasintahan. 

Isang araw nag lalakad si Jacob patungo sa kanyang classroom ng namataan niya ang isang babaeng , hanggang balikat ang buhok na itim na itim, ang mahahabang pilikmata, ang ilong na di masyadong kataasan at ang labing mapupula na ngayun ay namumuti na. 

Dali daling tumakbo si Jacob papunta sa nobya na nakatulala lang . Maraming pasa ang mga braso at ang labing nagdudugo pa dahil sa sugat. 

Awa. Sakit. At Lungkot ang nararamdaman ni Jacob para sa kanyang kasintahan.

Di niya alam kung ano nga ba talaga ang pinag dadaanan ng nobya. Sinubukan naman niyang tanungin ngunit ang sinabi lang nito ay nahulog siya sa hagdan kaya ang dami niyang pasa. 

Nabuhay ulit ang Jacob na masigla at palatawa dahil sa bumalik na sa klase ang nobyang si Danica. Masayang masaya si Jacob dahil palagi siyang sinasabihan ng nobya na proud na proud eto sa kanya. At mahal na mahal niya eto. 

Bago mag uwian nung araw na yun ay nag paalam ang dalaga na baka di siya makapasok kinabukasan. 

Sabi pa nito na mahal na mahal siya nito at magtapos siya ng pag aaral. Tuparin niya yung pangako nilang dalawa.

Naguguluhan man ay oo parin ang sinagot niya at mag ingat siya palage. Tango lang ng tango ang nobya. Bago pa man sila mag hiwalay ng daan ay namataan ni Jacob na may luhang pumatak sa mga mata nito. Pero sabi niya lang na nagmamalikmata lang siya dahil pag lingon niya sa nobya ay kumakaway pa eto at nakangiti. Bumigkas pa eto ng mahal na mahal kita babe. 

Sa unang pagkakataon ay tinawag siyang babe ng kanyang nobya. Kaya naman abot hanggang langit ang kanyang ngiti at saya. 

Kinabukasan, masayang pumasok si Jacob kahit alam niyang di makakapasok ang nobya dahil sa tinawag siya ng babe kahapon ng nobya. 

Lumabas ng campus si Jacob . Nang napukaw ang kanyang atensyon sa mga taong nagkukumpulan malapit sa cr na di na masyadong ginagamit dahil sa walang tubig.

****

Malapit na po matapos ... yehet! 

****

DONT FORGET TO VOTE and COMMENT po!

****

Highschool Lovestory [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon