Z

20 0 0
                                    

Inalis ni Arcan ang earphone sa tenga at inabot ang magazin na nasa unahang upuan. Binuklat niya iyon at huminto sa isang pahina doon.

"Care for some coffee, sir?" tanong ng flight crew sa kanya.

"No, thank you."

"Juice or water maybe?"

"Water then, please. Thank you."

Malanding inabot ng flight crew sa kanya ang bottled water at pinasa ang credit card machine.

"Going for a vacation, sir?"

"Ah no. Going home." matipid na sabi niya at tinungga ang laman na tubig.

"If you need anything-"

"Don't worry I'll buzz you. Just let me rest, please."

Bahagyang natigilan ang flight crew sa bruskong pahayag niya. Gayunpaman ay nakangiting nag-paalam na ito sa kanya.

Nawalan na siya ng gana na magbasa at napapikit na lang. Sariwa pa rin sa alaala niya ang naging pag-uusap nila ni Mitos sa Italya labing dalawang oras na ang nakalipas.

"Buck needs you."

Tatlong salita na nagpabago ng mundo niya.

Napatigil siya sa pag sibak ng kahoy at matamang tiningnan ang matandang lalaki sa harapan niya.

"I guess it's time, Arc." anito na tinapik ang balikat niya.

"When did he call?"

Gusto niya makasiguro sa kung ano ang kailangan ni Buck sa kanya. Magmula nang manirahan siya sa Italya ay palaging kay Mitos nanggagaling ang balita mula rito. Ni wala siyang komunikasyon galing kay Buck sa loob ng limang taon.

Well, one of Buck's golden rule:

Always have a trusty old right-hand man.

"He rang last night. I didn't wake you up coz you had a drink and I don't wanna be on the wrong end." nakatawang sabi nito na muli ring nagseryoso. "But this time, he sounds serious, mate."

Kumulimlim ang pawisan niyang mukha at madaling nag-isip. Ngunit agad din niyang hindi itinuloy iyon. Wala nang oras pa para pag-isipan ang gagawin.

Buck's second rule:

When Bucks calls, you follow. STAT.

Kaya naman madali siyang nag-empake ng mga gamit. Hindi niya alam kung hanggang kailan matatapos ang pangangailan ni Buck sa kanya. Gayunpaman nagdala siya ng sapat na gamit.

Hindi na siya nagulat pa nang iabot sa kanya ni Mitos ang plane ticket saktong pagbaba niya nang hagdan.

"Everything's booked. From the plane, to the taxi, hotel, and the car you'll be using for this trip. Of course I've charged it all to your credit card."

Napangiti siya sa matandang nakasama niya sa mahabang panahon. Hindi nga siya nagkamali na piliin itong maging kanang kamay niya.

"Don't worry I'll take care of the house. And all the girls you'll leave behind." nagbibirong sabi nito.

Pagak siyang tumawa. Napansin niyang biglang tumahimik si Mitos at nang tingnan siya ay may nagbabadya nang luha sa mga mata nito.

"You know I don't cry. But I'll consider this an exception. Take care of yourself. I hope you get your freedom once you finish this mission."

"I sincerely hope so, Mitos. I really do."

Matagal silang nagyakapan ni Mitos bago siya nagpaalam dito.

Umiiyak na bata ang nagpabalik sa kanya sa nakaraan. Pagmulat niya nang mata ay ang mukha ng kaninang flight crew ang nabungaran niya.

"Sir, we're almost ready for landing. Here's a hot towel to freshen you up." abot tenga ang ngiti nito.

Nagpasalamat siya at inabot ang bimpo.

"I don't normally do this but may I know your name, sir?" bulong ng babae sa kanya.

Mula sa gilid ng kanyang mata ay sinipat niya ito. Maganda at sexy, and seems like she's ready to have a good time. Base sa mga tingin na pinupukol nito sa kanya.

But he's not ready for anything at the moment. Not until he had a word with Buck.

"My name's Omar."

Ginamit niya ang isa sa mga aliases niya.

"Hmm, nice name." nang-aakit na sabi nito."Well, I'll see you around then, Omar. Hopefully today's not our last."

Umayos ng tayo ang babae nang tawagin ng tao sa kanyang likuran. Matapos ang maikling paalam ay nawala na ito.

Napailing-iling siya. He's really bad in the presence of beautiful women. Not that he can help it. He's here for business, nor for pleasure.

Tumayo siya at inabot ang bag sa overhead locker. Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga gamit nang mamataan ang magazin na hindi pa niya nababasa.

Walang pakundangan na nilagay niya ito sa loob ng kanyang bag.

Matapos ang isang oras ay nagsimula nang lumapag ang eroplano. Nagpahuli siya sa mga bababa at nang  umabot sa harapan ay nakita ang flight crew na kanina pa nagpa papansin sa kanya.

Inabutan siya nito ng isang mug souvenir mula sa eroplano.

"For you to remember me." wika nito.

Humagikhik sa kilig ang mga babaeng kasamahan nito lalo na nang tanggapin niya iyon.

"Thank you, I'll keep it."

Paglapag sa tarmac ay hindi na siya nag hintay pa nang matagal bago isang naka-unipormeng lalaki ang lumapit sa kanya.

"Mr. Arcan Tiquero?"

Tumango siya at naging alerto, his assassin complex completely aware of his surroundings.

Pinakita ng lalaki ang ID. "Ako po yung driver ninyo, sir. Halina po kayo."

Sumunod siya dito at nang makita ang sasakyan niya ay gusto niyang matawa nang malakas.

Mitos just hired a fvcking limousine for a taxi!

Arcan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon