Chapter 4: Her Married Life ~

278 10 2
                                    

Picture ni ALEX IVO RODRIGUEZ DELA FUENTE bottom right :) 

gwapo ba ? ♥  

------------- HBB ♥ 

" Pst! " 

" Eh anong problema mo panget? " 

" sungit mo naman! Baka nakakalimutan mong asawa mo na ako? " 

" Sus! Tigilan mo ko ah! " 

" Isang kiss nga! :D " 

" Tignan mo to ambastos! " 

" Biro lang naman! Smile ka na kasi :) " 

" Pwede bang magdrive ka na lang? Para naman makarating na agad tayo dun sa bahay natin? " 

" Yes po MAM YUKI " 

Agad namang nakarating sina Yuki at Ivo sa bahay nila sa Makati, ang dalawa naman ay pinagpartihan agad ang bahay nila, pero ang masamang balita don dalawa lang ang kwarto - ang Master's Bedroom at ang Guest's room

" Hoy panget! Akin yung kwarto " 

" Ah dyan tayo hindi magkakasundo hindi naman ako papayag na sa guest's room ako matutulog no, hindi ako sanay matulog don.. Mahina ang aircon don eh " 

" Lalo naman ako no! " 

" Edi dalawa nalang tayo dun sa kwarto tignan nalang natin kung sino ang unang susuko at lilipat sa guest's room " 

" Aba hindi naman ako uurong sayo noh! " 

" Edi maganda yon, dalawa tayo don - AKO SA KAMA " 

" So sa tingin mo matutulog ako sa lapag? Hindi. hindi mangyayari yun dun ako sa kama matutulog noh! " 

" Madali lang naman to eh, dalawa tayo don " 

" Ha? Ah. Eh. Oo sige " 

" Hahaha.. Lagot ka sakin " 

" He! Manyak! " 

" Teka kumain ka na ba? Gusto mo mag order tayo? Oh di kaya magluluto nalang ako ... " 

" Achuchu! Kala mo to kung sinong mabait. Wag na busog pa ko. Salamat nalang. " 

" Ganun ba, uy anong oras na matulog na tayo, diba may klase ka pa bukas? " 

" Sige na po mauna ka na, mag-aayos lang muna ako ng mga gamit ko para bukas "

" Oh sige mauna na ako sayo ah. Teka yuki, pano ka pala papasok bukas? Mag commute ka lang? Eh kasi diba wala naman yung driver niyo dito? " 

" Yun nga eh di ako marunong mag drive, siguro mag commute nalang muna ako " 

" Ah kasi si Mommy binigyan ako ng 1 week leave sa office at bukas wala naman akong gagawin, gusto ipag-drive nalang muna kita? " 

" Ah sige ok lang naman, ikaw bahala " 

" O sige gisingin mu nalang ako bukas ah " 

" Sige po "

Akma namang papasok na si Ivo sa kanilang kwarto ay tinawag siyang agad ni Yuki 

" Ivo ........ Ah. Thank You :) " 

" Haha may bayad yon " 

" Goodnight " 

" Sige " 

------------ 

[ Yuki's POV ] 

Haay... nakakapagod ang araw na to. Akalain mo bang nakatira na ko sa sarili kong bahay kasama ang asawa ko .. ?

Whaaah! Nakakaantok naman Hmm. makatulog na nga, Pasok pa pala ako bukas TT_______TT nakakatamad. (=_=) 

Sa pagtingin ni Yuki sa loob ng kwarto ay agad siyang napangiti at humiga na sa tabi ni Ivo 

" Ayos! May tabing ng mga unan sa gita.. Hmm.. Mukang tama si Mama ma ah, magkakasundo kami ng isang to, hindi nga malabo na ma-inlove ako dito eh .. Haay yuki inaantok ka na! matulog ka na nga lang " 

" Yuki, wag kang magtaray, Maganda ka kapag nakangiti ka " 

Ang mga katagang galing sa natutulog na si Ivo ang nagbigay ng isang napakagandang ngiti mula kay Yuki 

" Tignan mo to, ang gwapo .. Nung una mataray pero ngayon mabaet.. Moody? Oo siguro. Eh pano nalang isang araw kapag minahal na kita ng totoo? Yuki.. Matulog ka na, nababaliw ka na naman " 

[ kinabukasan ] 

 Rrrriiiinnnnngggg!! 

" Ay gulay na may Leche Flan! Hala naku 7:00 na -_- ang klase ko 7:40 patay na naman ako neto 

Uyyyy!! Ivo gising na!!! " 

" Opo ito na babangon na ko, sige na kumain ka na muna at tatayo na rin ako " 

" Ah wag na late na ko.. maliligo at mag-aayos pa ko eh " 

" Kumain ka! Pag ikaw hindi kumain ay hindi kita ipagda-drive " 

"Ampogege neto oh! Oo na sige na kakain na! Basta ipagdrive mo ko ah! " 

" Oo promise yan. Sige na bilisan mo nang kumain at baka mas lalo ka pang ma-late niyan " 

Pagdiretso ni Miyuki sa kusina ay napangiti na naman siya ng todo 

** Nakahanda na ang almusal niya may kasama pang bulaklak at sulat na inihanda ni Ivo para sa kanya 

" Grabe nakakakilig naman to! Oooh Yuki wag kang masyadong kiligin mabuti ay kumain ka na at malalate ka na " pagkakausap naman niya sa  sarili matapos niyang makita ang hinandang "surprise breakfast" ni alex " 

Nakakain, nakaligo at nakapag-ayos na si Yuki at siya ay handa nang umalis 

" Ivo!!! Tara na! Late na ko! " 

" Oo yuki sige mauna ka nang lumabas at susunod na rin ako.. I-lock ko lang yung mga pinto " 

" Sige sige bilisan mo ah " 

[ sa loob ng kotse ] 

" Ivo, thank you dun sa breakfast ah! :) " 

" Welcome. Nagustuhan mo ba? " 

" Syempre naman, first time kasi yun eh. " 

" Haha kaya naman pala " 

" Siguro ikaw hindi mo first time na gawin yun noh, Ivo ilan na ba naging girlfriend mo bago pa tayo ikasal? " 

" masyado na silang madami hahah  " 

"  sabi na eh! Halata naman sa itsura mo na babaero ka eh " 

" Pero meron akong isang pinaka sineryoso don, si Jane.. Kakaiba kasi siya, di tulad ng ibang girls hindi niya ko hinahabol kahit na alam kong ang gwapo gwapo ko.. Sa totoo niyan ako pa nga ang humahabol sa kanya eh " 

" siya ba yung girlfriend mo bago tayo ikasal? " 

" Oo at pwersang break-up kami.. Kasi sila Mama ang siyang kumausap sa kanya na kailangan na daw namin maghiwalay dahil hindi magtatagal ay ikakasal na raw ako.. At ito nga ikinasal na ko " 

" Sorry Ivo ah " 

" Hindi mo naman yun kasalanan eeh. Siguro ganun lang talaga. " 

" Ah Ivo ikanan mo nalang diyan dun sa blue na building.. yan yung school ko Vista College, sige na    andito na ko. Salamat sa pagdrive. Ingat sa pag-uwi ah " 

" Sige salamat. " 

--------------  ♥ 

A/N : Add me up on facebook :) Just simply search Heyblueberry Watty :) Add niyo ko ah. salamat.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married for money (the business partners)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon