01

143 4 0
                                    

Bakit ang sabi mo babalikan mo ako kapag buo ka na? Kapag nahanap mo na ang sarili mo at handa ka na? Pero bakit napunta ka sa piling ng iba?

***

Bakit noong mga panahong kailangan kita wala ka? Noong mga panahong naghahanap ako ng masasandingan at makikinig sa akin, wala ka.

***  

Bakit kapag nakagawa ka na ng masama hindi ka na pwedeng gumawa ng mabuti?

***

Bakit kapag nagmamahal ka laging nasasaktan ang mga puso natin?

***

Bakit kailangan mo minsan magpanggap sa harap ng ibang tao?

***

Bakit kayang kaya mo ako paghintayin pero ang hintayin mo ako hindi mo magawa? 

***

Bakit ka gagamit ng taong mahal ka ng totoo para lang malimutan ang taong minahal mo ng buo?

***

Bakit mo ba kinukulong ang sarili mo sa isang taong hindi binabalik ang pagmamahal na dapat ay deserve mo? 

***

Bakit kahit tanggap ko na ang nangyari sa atin, andito parin ang sakit na dinulot mo sa akin?

Bakit?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon