Chapter 1: Naniniwala ka ba sa hula?

94 0 0
                                    

Di ko naman talaga trip ‘tong mga hula eh. Di naman sa pagiging banal o ano, Kristiyano kase ako at yun ang turo sa amin. Pero sige, trip kasi ng best friend kong si Maica, birthday gift na rin daw niya sa akin.

Ika-18 ng Nobyembre, mga alas-siete ng gabi, malamig ang simoy ng hangin, at kumikinang ang mga ilaw ng Paskong parating; sosyal kasi ‘tong manghuhula na pinuntahan namin, private kung private, pumapalibot ang amoy ng kape kaya chill! Relaks, ang aya ng manghuhula.

“Pumili ka ng card,” sabi niya habang inihahain ang tarot cards sa mesa.

Okay, whatever, di naman ‘to totoo. Patawa kong iniisip, habang kinukuha ang tatlong card.

“Tatlong lalaki,” tahimik na sabi ng manghuhula, “yung una, payat na matangkad, matalino’t mahilg sa literatura,” nagkatinginan kami ni Maica, Oo siya yun, “siya yung lalaking kikitain mo mamaya,” tuloy ng manghuhula, “at dadating ang oras na kapag inamin na lalaking ito ang nararamdaman niya, maghihiwalay na kayo.”

“Weh?” Sabay naming patawang inika ni Maica. Laro lang naman ‘to eh, baka nga daw ako pa ang mainlove dun, bulong ni Maica.

“Yung pangalawa,” tila ba walang kagulat-gulat na tuloy ni Kuyang manghuhula, “matagal mo na siyang kilala, makisig at habulin ng babae, atleta, chinito…” tuloy niya. Dito na niya napukaw ang atensyon ko.

“Espesyal ka sa kanya, pero may mahal na siyang iba.” Aray, sakit nun ah! Medyo matagal ko na rin kasing mahal yung lalaking yun, sabi ko sa sarili ko.

Di pa pala siya tapos, “Sa tingin mo eto na yung mahal mo, pero kapag nakilala mo na yung pangatlong lalaki, iibahin niya ang tingin mo sa pagmamahal.”

“Imposible!” Protesta ko, kulang na lang magmartsa na ako sa Malacañang. Si Hero? May mashihigit pa sa pinaramdam niya sa akin? Eh first love ko yun! Childhood sweetheart! Solid! Imposible talaga!

“Eh sino naman yang third guy na yan, Kuya Manong?” Patawa ko pa ring sinabi, tumpak si Manong eh! Ano kayang kinaen neto?

“Yung pangatlong lalaki,” sinimulan niya habang nilalapit sa amin yung card, “makisig din, maganda at matikas ang pangagatawan, mapungay ang mga mata’t di lang yun, mabuti ang kalooban at matalino, lalong-lalo na sa larangan matematika,” Hala todo-reto si Kuya Manong! Mamaya snatcher naman yan kaya magaling magkompyut!

“Siya yung tipo bang.. gustuhin ng mga babae,” tuloy ni Manong. “Makikilala mo siya sa isang malawakang pagsasalo malapit sa eskwelahan niyo..”

Nililigpit na ni Kuya Manong yung mga cards sa deck niya habang sinasabing, “at sa una niyo palang na pagkikita mamahalin niyo na ang isa’t-isa.” Sa kaloob-looban ko, ay! Love at First Sight ang peg ni Manong! May naniniwala pa dun?

Paalis na kami nung sinabi ni Manong, “Babae,” habang tinataktak yung deck ng cards mesa, “…babaeng payat na chinita’t may mahabang medyo kulot na buhok ang magpapakilala sayo sa kanya.”

Wow! May bonus pa! Nginitian ko na lang si Manong, “Wala naman akong kilalang ganun Manong eh!”

Let Me Bid The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon