It's STORY [ORIGINAL] [ONE-SHOT]

23 0 0
                                    

HER POV

Once I was a bride. Ikakasal na ako saiyo. Matagal na natin itong pinag-handaan pero kahit na hindi ko na dapat pag-isipan pa dahil alam ko namang sa saiyo ako babagsak. Mahal mo ako at mahal din kita

 Nasa edad na tayo kaya wala tayong dapat pang alalahanin. Masayang-masaya ako sa saiyo. Hindi ko nga lubos maisip na ikaw na pala ang nakatadhana para sa akin.

Gustung-gusto kong ikaw ang makasama ko habang buhay. 

Pero pagkatapos ng kasal ay madami akong nalamang sikreto saiyo. Ito na ata ang sinasabi nila na 'KAPAG KASAL NA KAYO. DOON MO LAMANG LUBUSANG MAUUNAWAAN KUNG SINO BA TALAGA ANG  TAONG PINAKASALAN MO.'

Nalaman ko na ako pala ang taong naghahabol sa taong dapat ay makakasama ko sa habang buhay.

Patuloy kang nagsisinungaling at hindi umaamin.

Pero hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi ang katotohanan.

Naghiwalay tayo pagkatapos kong malaman na niloloko mo lang pala ako. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang malamang niloloko ka lang ng taong mahal mo? Para kang mamamatay pero wala kang ibang gawin kundi ang umiyak. Naiintindihan mo ba?! Lahat apektado sa akin dahil sa ginawa mo!

And now, you are living with another woman. Napag-alaman ko na may dalawa ka ng anak sa kaniya.

Hindi ako papayag na makuha ka ulit sa akin. Isa lang ang dapat mong mahalin at AKO IYUN! Pero makukuha lang kita kapag WALA na siya.

Gagawin ko ang lahat para lang saiyo. DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA. 

Hanggang ngayon, naniniwala pa din ako sa mga SINABI at PANGAKO mo sa kin. Iyun na lang ang pinaghahawakan ko. 

Dahil sa pagmamahal ko saiyo, lahat binalewala ko na pati ang sarili ko pang BESTFRIEND.

Masakit isipin na NAGMAMAHALAN TAYO PARA MAKASAKIT SA IBANG TAO. Tama ba ang TADHANA na gawin ito sa atin. Nagmamahal lang naman tao. Wala naman tayong ginagawang masama!

Sabi nila, napapabayaan ko na ang sarili ko..

Hindi na daw ako katulad ng dati.

Bakit ganun? kahit anong gawin natin, pilit nila tayong inilalayo sa isa't-isa..

HIS POV

I was once a PLAYER.

So this is my KARMA.

Bilang lalaki, gusto kong subukan ang sarili ko. Kung hanggang saan ba ako. 

Isa akong lalaki na ninakaw ang puso ng mga babae. Inaaamin ko, ginamit ko silang lahat para sa sariling interes ko lamang. MASAMA BA AKO?

Ako ang lalaking walang inatupag sa buhay kundi ang MANLOKO, MANG-IWAN at MANAKIT ng ibang tao. Masisisi niyo ba ako kung dito lang ako masaya?

Pero nabago ang lahat ng makilala kita..

Pero akala ko, ikaw na ang makakasama ko habang buhay.. Na MAKUKUNTENTO na ako saiyo..

Pero pakiramdam ko ay hindi ko matutupad ang pangakong 'IKAW LANG.'

Nakahanap ako ng ibang babae.

Pero iniwan kita na MISERABLE at NAG-IISA.

Pero nung gabing iyun, LASING ako at hindi alam ang ginagawa.

Alam kong NAGKAMALI ako.. Kaya naramdaman ko na ang KONSENSYA na unting-unting lumalamon sa puso ko. Pero nagmaneho pa din ako...

HER POV

Masakit pa lang mawalan ng minamahal..

Akala ko, masakit ang IWAN, ang LOKOHIN, ang PAGTAKSILAN at HINDI TUPARIN ANG PANGAKONG BINITIWAN saiyo.

Masarap magmahal sa umpisa pero hindi mo masasabi kung hanggang saan kayo magtatagal. Hindi mo aakalain na isa lamang pala siya sa mga PAGSUBOK na binigay saiyo ng DIYOS.

Inisip ko pa naman din na SIYA na. Ang taong makakasama ko sa HABANG BUHAY pero mali pala ako.

Pinapatawad ko na siya...

At sana ay masaya na siya ngayon...

SA LANGIT...

KASAMA ANG SANA'Y MAGIGING ANAK NAMIN.

-THE END-

It's STORY [ORIGINAL] [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon