Kung kailan tanggap ko na,
Tanggap ko na ang ang posibilidad,
Na sa dinami-rami ng tao sa mundo,
Walang nakalaan para sa’kin.Ngunit, subalit, datapwat,
Itong si Tadhana, parang nananadya
Biglang may ipinakilala.Tila nilamon ng lupa ang lahat ng
Aking paghahanda sa loob ng
Dalawampu’t dalawang taon.
Para akong sanggol na nangangapa,
Hindi alam kung anong dapat gawin.Siya na ba?
Nararapat bang bigyan ng pagkakataon?
Tama bang makipagsalaparan
Sa isang tulad nya?Will my reality finally be better
Than my fictional world?-
rimaÜ
