Naglalakad na ako pauwing bahay , isang sakay na lang . kakagaling ko kasi sa birthday ng Rich kid kong frend kaya ayan naka dress ako ,yan tuloy nagmukha na akong babae . parating na ko sa bahay kaso dadaan ako sa mga tambay sa kanto . nang dumaan na ako bigla ba namang humarang sakin yung jejemon na lalaki . at OMYGOSH gwapo siya kaso jejemon .
" Hi miss " sabi niya , hindi ko siya pinansin , pero lakas makatitig nito e
"Anong tinitingin tingin mo ha ? " sabi ko , nakakaasar mukang nang mamanyak yung titig nito
"Kamukha mo kasi yung pang limang gf ko e " so ibig sabihin magaganda yung gf niya ? nice naman
"Nice ! nakailang gf ka na ba ? " sabi ko naman
" 4 " sabi niya naman . tapos biglang nag boom yung mga kasamahan niya , sabay kumanta ng "Masaya ako sayo by curse one " psh so jeje -_- . kung tinatanong nyo ko kung kinikilig ako duhh , hindi ako KINIKILIG alam ko na mang pinagtritripan ako ng mga yan e .
"LAST MO NA YAN " sabi ko sa kanya .
"Ayoko nga " sabi niya , haynako che na siya diyan , hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ko sa loob ng bahay .
1 buwan na ang nakakalipas ganon parin ginagawa niya , nako lagi na lang siyang nang aasar , sa bawat banat niya "Last mo na yan " yung lagi ko namang sinasabi sa kanya , kasi pag pinagpatuloy niya pa yan baka lalo lang akong mainlove sa kanya .
tumingin ako sa relo ko 6 : 30 am pa lang pala . inagahan ko lumabas ng bahay para di ko siya makita .Kasalukuyan akong nakasakay sa jeep , sabay may sumusundot sa balikat ko tinatawag ata ako , siguro mag papaabot ng bayad .
"miss barya ka ba ? " nagulat naman ako . Siya na naman ? 0_o . nakakainis naman .
"BAKITTTTT ? " hindi ako sumagot kasi pick up lines na naman yan . kaya ayun sabay sabay nagsabi ng "bakit " yung mga pasahero tsaka si manong driver , teka pati ba naman si manong driver ?
"Kasi umaga pa lang kailangan na kita :"> " nag ayieeeeeeeeeee naman yung mga pasahero -_-
"Alam mo para kang pimples ! " ganti ko sa kanya
"ah kasi pag tinatanggal moko nasasaktan kana ? , umamin ka na kasi " sabi niya at aba ang kapal ng mukha , may paganyan ganyan pang nalalaman .
"Hindi kasi kung san ka kasi sumosulpot ! tirisin kita diyan e -_- " sabi ko sa kanya sabay sabay ng boo yung mga pasahero tsaka nagsabi ng " last mo na yan " aba aba gumaganti ah . nagpara na lang ako , tapos bumaba na , hinabol niya naman ako .
"ano ba !!!!!!!! ' sabi ko hinatak niya kasi yung braso ko . hindi niya naman ako pinansin hinahatak nya parin ako hanggang sa nakarating kami sa park
"Alam mo bang para kang bubuyog ? , kasi BEEnihag mo ang puso ko " haynako pinunta niya lang ba ako dito para mag pick up line ? ,
"last mo na yan " sabi ko naman . muka naman siyang nainis ,
"alam mo ba ? nakakainis ka sa tuwing nag pipick up line ako di ka man lang kinikilig tapos lagi ka pang nagsasabi ng last mo nayan !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! " sabi niya na parang galit . wow ha ? siya pa galit , eh ako nga dapat magalit kasi sa bawat pick up line niya pinapaasa niya yung tulad ko .
'EH KASI NASASAKTAN NA AKO ! HINDI MO BA ALAM SA BAWAT PICK UP LINE MO KINIKILIG AKO ? PERO GUSTO KO NANG ITIGIL MO KASI ALAM KO PINAGTRITRIPAN MO LANG AKO , AT AYOKO NANG UMASA SA WALA ! " sabi ko sa kanya . at ayan tumutulo na ang luha ko
"at hindi mo rin ba alam ha ? na kapag sinasabi mong last mo na yan , naiinis ako ha ? kasi ayokong itigil to ! , kasi gusto ko lagi mo akong pinapansin kahit naiinis ka sakin , Kasi Mahal kita " sabi niya naman 0___________________________0
nagulat naman ako tapos niyakap niya ako . nararamdam ko namn yung tibok ng puso niya , shet ang bilissss ~ <3
"Pwede bang manligaw ? " sabi niya
"last mo na yan " sabi ko naman , mukha naman siyang nalungkot . "kasi ngayon pa lang sinasagot na kita :"> " mukha naman siyang nagulat tapos hinalikan niya ako . omygosh i really love this man .
"I love you " sabi niya
"I love you too :) "
~~~~~~~~~~~~~~~~~~ the end ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'
huhuhuhuhuhu sana nagustuhan niyo po :) heheh ang korni ni author noh ? pagpasnsyahan niyo na po hihihihihihi <3