pagkabukas ko ng pinto sa bahay, galit na nakatingin sakin ang tatay ko.
"bakit ka basa?"
oo, basa ako. hindi ko kasi dinala yung payong na iniwan nung lalake, ang creepy eh.
"duh! hindi ba obvious pa? umuulan oh?" sabi ko sabay turo sa bintana.
huminga sya ng malalim at lumapit sakin, kinuha nya yung panyo sa bulsa nya at pinunasan ang basa kong mukha.
"magdala ka kasi ng payong, alam mo namang ayokong nagkakasakit ka diba?" gusto kong umiyak sa sinabi nya. kahit na hindi kami masyadong nagkikita dahil sa trabaho, sya parin yung tatay na hindi kami iniwan, sya parin yung tatay na minahal ko at mamahalin ko.
ngumiti ako at yinakap sya.
"ops ops ops, binabasa mo na ko oh?" sabi nya habang tumatawa, bumitaw ako at ngumiti.
"osya, pumunta ka na sa taas, tatawagin na lang kita pag tapos nako magluto." hinalikan nya ko sa noo at pumunta sa kusina.
umakyat ako sa taas at naghanap ng komportableng damit, naligo ako at nagpalit. ang lamig ngayon pero nakayanan kong maligo.
kinuha ko ang laptop ko at naglog in sa facebook.
wala namang bago kaya pinatay ko na ang laptop.
humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling. nagtataka talaga ako sa lalaking nagiwan ng payong dun sa may bus stop, pano kaya nya nalamang wala akong dalang payong? hindi kayo psycho-stalker ko sya? or sadyang mabait talaga sya na pinahiram nya ko ng payong?
nakakafrustrate mag-isip ng bagay na hindi naman dapat iniisip. nawalan na tuloy ako ng gana kumain. itutulog ko lang to.
matutulog na sana ako pero biglang nagring ang phone. akala ko lowbat?
"hello? sino to?"
"[hoy babae, uso rin namang tumingin sa caller's I.D bago sagutin diba?]"
tumawa ako, sya si phylum, ang ka-isa isang kaibigan ko dito.
"Sorry naman. inaantok na kasi ako eh. bakit ka pala napatawag?"
"[may transferee daw sa school natin.]
"napatawag ka lang dahil may transferee na lalake? alam mo bang kanina pa ko inaantok dahil--
hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla syang nagsalita.
"[si peter ang transferee.]"
hindi nako nakasagot, magsasalita pa sana sya pero pinatay ko na ang cellphone ko at binato iyon sa sulok. wala akong pake kung nasira ito. wala akong pake kung magalit sakin si phylum, maiintindihan nya naman diba?
humiga ulit ako sa kama pero iba na ang pwesto ko, nakatagilid ako. naalala ko nanaman yung mga sinabi niya. yung ngiti nya. yung halik nya, lahat lahat.
at sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na unti-unting pumatak ang mga luha.
kagaya ng ulan kanina.
hindi ito tumigil.
--
may konting changes sa chaptersbago dito, inedit ko kasi eh; hehehe. basahin nyo nalang po.