Chapter 4:Thank You Anime!

106 0 0
                                    

A/N:

Sooooooo sorry kung late na late upload...bc lang kasi...anywayz, hope you like this chapetr.Ciao!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Iza’s POV

Nandito kami ngayon sa resort. Finally ay Re-opened na ang Frascuello’s Hotel and Resort after a few months of renovations.

Busy-ing busy ang lahat at paikot ikot ang crew na kinuha nina Lolo Matteo para sa event na toh.

Kanina pa din ako busy. Managing this place was better than organizing a party! Halos lahat dapat ma-attend-an mo sa kanilang needs.. Everyone are prospects for customers kaya dapat i-treat sila nicely..

Kaya hanggang ngayon di pa kami nag-uusap ulit ni Tim.. Gusto ko i-open up yung about sa kanina pero parang iniiwasan din niya ko.. And pagadating sa Resort, parang he transformed back to his usual self. The jerk.

Lakad lakad..

Ngiti ngiti...

Utos utos...

“Ouch naman ha!”  sobrang liit ko naman para di makita ng isang to! Nabangga pa niya ko ha!

“Sorry! I didn’t notice you in there!Oh, it’s you Iza! Sorry again!” pagtingin ko kung sino, si anime pala!

“Grabe ha, insultuhin pa ba ako? Wag mo nang ipangalandakang maliit ako.” Angal ko. Natanaw ko di kalayuan si Ycee, katabi niya si Gareth.

Tingin tingin sa paligid..

Ayun naman si Shana katabi ang boss niyang lagi daw may PMS pero crush niya na si Ouiji.

Tingin tingin..

Ayun si Twy kasama si Russell the sweet guy...

Tingin tingin...

“Are you looking for someone?” oo nga pala nandito pa si anime..

“Alam mo anime—este Ron, manager ang role ko dito kaya natural na tignan ko ang bawat isa kung okay sila..” pagsisinungaling ko..

Tingin tingin..

“That doesn’t look like it you know Iza.. You’re defenitely looking for someone. Is it my cousin Timmy? I saw you two earlier holding hands when you went back in here.”

Aba tsismoso ka bro! kalalaking singkit daig pa babaing mang-intriga..

“Hindi noh! Bakit ko siya hahanapin? Atsaka ano, ahm ,yung kanina, wala yun nilalamig lang yung kamay ko...”  haay...ang lame naman ng excuse ko.. masyadong mahahalata ang pagiging liar ko nito eh...tsk..

Lalakad na sana ako palayo kay anime ng makita kong may dumaan sa harap ko...

Isang babaeng maganda at mukhang sopistikada kasama ang isang gwapo pangit at ubod ng samang lalaki..

“Ahm, tara dun Ron! Madaming, ahhh, madaming turon doon... favorite ko yun” hila ko kay anime papunta sa kabilang direksyon...

Bago siya nagpahila, napansin kong tumingin siya sa harapan kung san nandun sila Tim.

Jiro’s POV

Hello readers! Ayan may POV na ako! Pasensya na di ako nagtatagalog pag nakikipag-usap sa ibang tao eh.. kayo nalang tatagalugin ko..hehe..

Anyway, I saw how Iza react on the sight of Tim and Kimmi Chaneeza Del Tierro. Actually, alam ko na kanina pa magkasama sila Tim at Micha. Pero, wala naman akong magagawa eh. Kaya pinagbigyan ko nalang si Iza na lumayo sa kanila.

Instead na sa food section kung saan ako niyayaya ni Iza para kumain ng turon (Seriously miss author, sa dami ng pagkain, turon pa hinanap niya?) na wala naman sa menu, niyaya ko siya sa dance floor.  May maganda akong plano para sa bagong kaibigan kong to.

“Let’s dance Iza. I like the song their playing. Come on!”

“Ano? Ayoko nga! Hindi ako sanay na sumasayaw sayaw na yan! Hindi nga ako sumayaw sa prom namin noon eh.” Pasigaw na sabi niya nung lumakas yung tugtog..

“ok lang yan, i’ll teach you how to dougie..hahaha” joke ko. Na binawi ko din nang tignan niya ko na masama.

Grabe naman makairap tong si Iza. Parang gustong pumatay.

“I was just joking ok! You haven’t smile since we saw Tim and Micha together. You’re jealous aren’t you?” sabi ko Matter-of-factly.

“Wag mo nga akong jine-jealous-jealous jan anime tuRon! Apakan ko yang paa mo eh.. tara na nga sa dance floor..” sabi niya..

After a few hippie songs, nag change yung music to a sweet song. Hinapit ko siya sa bewang...

Oops.. wag masyado mag-judge. Kaya ko ginawa yun kasi i spotted Tim—sinasayaw si Micha—na nakatingin sa amin ni Iza..

Wahahahaha... my dear cousin, wag masyado halata..hahaha....

Tim’s POV

Why am i so affected anyway? I’ve been with a very beautiful lady this evening—that’s Micha.

Bakit ko papansinin yung si Jiro at si amazona?

Masyado naman akong nagiging weird.  Lately, hindi ko alam ang mga reactions ko... ahhh, erase erase... hindi pwedeng ganito...

I should go out often with girls.  Baka hindi lang kasi ako sanay na napapalapit sa mga babae..

Tama ganun yun!  Haay... makatulog na nga lang..

.....

....

....

Ok fine, i’ll just take a peek at her kung nakabalik na siya..

(uuuyyy, nami-miss)

I just have to make sure she’s safe miss author!  Sakin siya binilin ni lola eh!

(Defensive>___<)

Whatever miss author..

Anyway, i’m here in front of her doorsteps.

Kakatok ba ako o hindi..?

Kakatok ba ako o hindi..?

Kakatok ba ako o hindi..?

Kakatok ba ako o hindi..?

Ok fine.

‘Tok Tok Tok

‘Tok Tok Tok

Bukas yung pinto niya nung pinihit ko yung knob. Nung buksan ko yung pinto, walang tao..

Grr.. Anung oras na wala pa siya? Saan nanaman siya dinala nung Jiro na iyon?!

“Oh,gabi na gising ka pa insan? Ah.... si Iza? Lumabas sila ng resort ni Jiro. Nakita ko kanina na lumabas sila” tuloy tuloy na sabi ni Chase Russell na mas nagpainis sa akin..

“ I’m not looking for her, Russ,  but thank for the info anyway..naayos mo na ba ang gusot niyo ni Twyla?”

Ayan.. natahimik ka din...hahahaha..

“You always know how to stop me from talking. Nice move couz. Sige Goodnight!”

Tssss... makatulog na nga lang din..

Excuse me Mr. Arrogant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon